VAN's
Pinagbuksan ako ng pintuan ng mga nagsisilbi sa bahay nina papa. Samantalang isa sa mga guard niya naman ang sinamahan ako papunta sa office nito.
Pagkabukas ng pintuan sa office niya ay agad kong nakita sina Frier, Mark at ang nanay nito. Nasa likod naman ng desk niya si papa at naka-upo. Sabay-sabay silang nagtinginan nang marinig nila ang pagpasok ko.
"Van! sitdown hijo." mabait ang tono ng boses ni Frier. Kahit na hindi nila sabihin, alam ko na kung bakit nila ako pinapunta.
Naupo ako sa upuan na katapat ni papa, nasa likod ko naman ang pintuan.
Kinakabahan man ako, ayoko yung ipahalata sa kanila." Kamusta, hijo? A lot of weeks gone by but still, wala parin kaming natatanggap na bagong balita mula sayo."
Gusto kong sabihin sa kanila na wala naman akong dapat ibalita dahil parte na ng private life ko si Quine. Pero syempre, hindi ko yun sinabi.
"I-I saw her last week, chine-check niya yung revised proposal niyo. Ang kaso lang masyado daw malaki ang hinihingi niyo kaya kailangan niya pang tignan ng mabuti ang lahat." malakas ang naging buntong-hininga ni Frier. Si papa naman ay napatanggal pa ng salamin niya sabay tingin ng masama saken, dahilan para bigla akong mapalunok.
"Hindi maganda kung next month wala parin tayong sapat na pondo... Kapag may ibang kompanya ang nag-offer ng same proposal at mas maliit ang hinihinging pera, wala na tayong pag-asa." Ani papa.
Hindi ko sila maintindihan. Bakit ba ganon na lang nila kagustong masakatuparan ang project na yun? Bakit hindi na lang sila mag-isip ng iba?
Masyado silang gahaman sa pera."Wala rin talagang pinag-kaiba ang batang yun sa ama niya... Ang pera nila ang pundasyon ng meron tayo ngayon, pero sila rin ang magiging dahilan ng pagkabagsak natin." bigla akong nilingon ni Frier at mariing tinitigan.
"Kapag hindi natin naisakatuparan ang project na 'to, lulubog tayo sa utang natin sa kanila... Nakaraos tayo within this past few years dahil hindi nila tayo sinisingil. Masyado silang naka-focus na lahat sa stability ng nag-iisang tagapagmana...konti na lang at babalik na sa dati ang lahat... Maniningil sila ng mga utang at kapag hindi tayo nakabayad, kukunin nila ang lahat ng meron tayo... Pamilya ng mga anghel na may saping demonyo." bahagya pang tumawa si Frier kasabay ang pag-iling nito, pero napalitan agad iyon ng pag-ubo nito.
Pamilya ng mga anghel na may saping demonyo? Sila ba ang tinutukoy niya? Mga patawa. At kung sakali mang bumagsak sila, wala na akong pake-alam dun.
" Van," Walang gana akong napalingon sa direksyon ni Mark.
"Ang sabi saken ni Avery, girlfriend mo na siya. Bakit hindi natin siya imbitahin sa isang dinner at dun natin i-discuss ulit yung proposal ni Dad? Para naman mas malinawan siya?" Ani Mark.
Kung maka-Dad akala mo talagang anak siya ng tatay ko. Tsk, isa ring sperm na clown.
" That's a brilliant idea, anak!" sumingit pa talaga ang mama niya.
Pero...nag-uusap parin pala sila ni Avery after ng ginawa nila saken. Grabe, tapos ang lakas ng loob niyang dumikit-dikit saken at sabihing mahal niya ako? Nakakabilib.
Bumalik ako sa realidad nang marinig magsalita si Dad.
"Hmm, pwede nga yan. Ang tanong lang, bakit hindi mo man lang sinasabi samen na kayo na pala anak?"
Anak?
Kapag sinasabi niya saken yun gusto kong sumuka ng dugo." H-hindi niyo din naman kase naitatanong—"

YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Fiksi RemajaVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...