QUINE's
NAGISING ako sa tunog na galing sa cellphone ko. Pikit-mata ko iyong kinuha sa nightstand sa tabi ng kama ko.
"H-Hello?"
"Quine?" kung hindi ako nagkakamali, boses ni Dale yun. At bakit naman kaya siya napatawag ng ganito kaaga?
" Dale? Bakit?"
"You haven't forget today's event right?"
Event? Teka...
" M-Meron ba?" inaantok ko pang sagot dito sabay hikab.
Dinig ko ang malalim nitong pakawala ng hininga. Meron nga. Teka... Ba't di ko naalala?
"It's Frederick's birthday. Remember him?" hinanap ko sa pinaka-suluksulukan ng utak ko ang pangalang Frederick.
" Yeah, I remember him." kung ganon birthday niya ngayon. Ayos, magpapadala na lang ako ng gift at pagbati sa kaniya.
"He sent you an email about that, he's expecting you to be there...and also...other people." Ang tinutukoy niyang other people ay yung mga businessmen na walang ibang pakay sa event na yun kundi ang palawigin ang kanilang businesses.
" I didn't expect myself to be there . I need to sleep, Dale." tinatamad kong sabi dito.
I heard him sigh again on the other line.
"Quine? Isn't this the right time for you to show yourself? A lot of people are still thinking that..." hindi niya maituloy ang sinasabi niya.
I know, a lot of people ay iniisip na nasa psychiatric ward na ako. Wala naman na akong pakealam sa iniisip nila.
"M-Maybe... At least you should try? Just stay there for half an hour, you don't need to discuss business with them. Just...just try." Parang nawala na tuloy ang antok ko. Nakakainis.
This time, ako naman ang nagbuntong hininga.
" Okay. I'll go... By the way, I don't have any gift for him." at wala din akong balak na maghanap pa ng regalo para kay Fred. Kung hindi ako nagkakamali, matanda na na siya. Magkalapit lang ang edad nila ni lolo, siguro nasa 80s na siya ngayon?
"Never mind that, I already sent him one." okay.
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Dale ay tumayo na ako. Kailangan ko pang maghanap ng dress na masusuot mamaya.
Nag-shower ako at pagkatapos ay agad ding nag-almusal. Oats with raspberry and banana ang ihinanda ko para sa sarili ko. Out of nowhere ay pumasok sa isip ko si Van at yung luto niya. Kapag kase nandito siya sa bahay may matino akong kinakain.
I hire ko kaya siya bilang chef ko? Tutal masarap naman siyang magluto. Papayag kaya yun?
Matapos kong mag-almusal ay saka ako naghanap ng dress sa closet ko na pwede kong isuot mamaya. I don't want sparkling one, gusto ko this time simple yet classy.
Lumipas ang mga oras. Ang napili kong isuot ay isang off-shoulder black dress, abot hanggang ibaba ng tuhod ko iyon. I partnered it with my black pointed-toe pump, and some silver jeweleries.
Matapos kong maglagay ng konting foundation, mascara at lipgloss ay saka ko kinuha ang black leather handbag ko at pati na din ang susi ng kotse ko.
Nang makababa na ako sa parking lot ay siya namang dating ng isang itim na kotse sa likuran ko.
Bumaba doon ang isang lalakeng naka black suit, kinabahan ako pero nang makita ko ang golden pin na hugis ibon sa bandang kaliwang dibdib nito ay nakahinga din agad ako ng maluwag.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Ficção AdolescenteVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
