CHAPTER 1

3.2K 72 7
                                    


QUINE's

HALOS 24 hours din ang itinagal ng flight ko papunta dito sa pilipinas using one of our private planes. It's a none stop flight kaya nakarating ako dito ng mas maaga kesa sa inaasahan.

Dalawang taon na din mula nang umuwi ako, akala ko ay may aasahan akong bago pero the same old city parin ang bumungad saken. Lively, full of people, and the traffic? Dude, it's hella improving!

Dumaan pa muna ako saglit sa driver thru ng isang fast food restaurant pero sobrang haba ng pila kahit gabi na. Kaya naman sa halip na mag-antay ako ay bumalik na lang ako ulit sa kalsada at nag-patuloy sa pagmamaneho.

While waiting for the traffic light to turn green, I pulled down my side window slightly to feel the cold night air. Pero hindi din iyon nagtagal dahil nairita din agad ang ilong ko sa sobrang polusyon.

Itataas ko na sana ulit ang binta nang mapukaw ang atensyon ko sa sinasabi ng pastor na nagsesermon sa simbahan na nasa gilid ko lang, saglit ko pang pinakinggan ang iba pa nitong sinasabi . Pero saglit lamang yun dahil agad-agad din akong ibinalik sa realidad ng busina ng mga kotse sa likuran ko.

Mga hindi makapag-antay?!

Madilim at walang kotseng dumadaan sa kalsadang dinaanan ko ngayon maliban sa kotse ko.
Ayon sa gps ng kotse, ilang kilometro na lang ang layo ng apartment na tutuluyan ko kaya naman mas binilisan ko na ang pagpapatakbo tutal mukhang hindi masyadong dinadaanan ang kalsadang tinatahak ko.

Pinili kong manirahan sa isang three-storey building na pina-renovate ko to be an apartment. Nasa punto kase ako ng buhay ko na gusto ko munang lumayo sa lahat ng mag-papaalala saken ng pamilya ko at ng buhay na meron ako.

Titira si Tim sa second floor ng building, yung first floor naman ay pinarentahan ko bilang café.

Ewan ko ba talaga kay Tim kung bakit sumama pa siya saken. Actually, matuturing siyang runaway groom. Wala pa namang schedule ang wedding niya. Sabi ko nga sa kaniya, kung lalayo siya sa pamilya niya hindi siya dapat dumikit saken. Dahil sa oras na malaman ng parents niya na bumalik na ako dito, iisipin nila agad na kasama ko siya. We're best of friends kase since we're young and naïve.

Habang nagda-drive ay nag-ring ang phone ko na nasa loob pa ng bag ko. I immediately get it inside without taking my eyes off the road.
I glanced at the caller's name then back to the road, it's Tim, guess he got in here earlier than me.

"Where are you?" he immediately asked the moment I answered the phone.

" The traffic in manila is on another level now kaya medyo natagalan ako, don't worry malapit-lapit na din ako." I answered with a smile.

"Can you please hurry? There's a lot of insects biting me right now!" angal pa nito. Dinig ko pa ang pagpapadyak niya ng kaniyang paa. Sino ba naman kase ang nagsabing mag-stay siya sa labas?

Ikukwento ko pa sana sa kaniya ang sermon ng pastor na narinig ko kanina nang bigla na lang may dumaang kotse sa harapan ko... Huli na nang matapakan ko ang break. Nakaladkad ko yung kotse lagpas sa gitna intesection, halos tatlong metro! mabuti na lang at agad na kumapit ang break ko, kung hindi ay baka tumilapon ito dahil sa bilis ng takbo ko.

Ilang segundo pa akong nakayuko lang sa manibela, ramdam ko ang mabilis na tibok ng pulso ko at ang hingal kong paghinga, Nang mag-angat na ako ng tingin ay kita ko pa ang maputing usok na nanggagaling sa gulong ng mga kotse namin.

Hindi na ako nag-sayang pa ng oras, Agad akong bumaba para i-check ang driver sa kabilang kotse. Tumambad saken ang yuping pinto sa passenger's seat at basag nitong bintana. Nilingon ko ang kotse ko, wasak ang bumper nito at nayupi din ang hood, may basag din ang window shield pero sa bandang wiper lang at hindi naman ganoon kalala kumpara sa kotseng nabangga ko.

Pagkatapos ay agad naman akong tumakbo papunta sa side ng driver. May crack sa salamin at kaunting dugo dito.
Bumalik ulit ako sa kotse ko para kunin ang phone ko at tumawag ng ambulansya.
Pagkatapos kong tumawag sa 911 ay saka ko naman inusisa ang lagay nung driver.
Bubuksan ko na sana yung pintuan sa driver's seat nang bigla itong gumalaw at unti-unting bumukas.

Bahagya akong yumuko, "Mr? A-are you okay?" baliw talaga ako! Bakit ko naman tatanungin kung okay lang siya eh nabangga ko nga siya?

" Mr?..." marahan kong tinapik-tapik ang mukha nito. Nakahinga naman ako nang maayos nang marinig ko itong umungol at makitang unti-unti nitong idinilat ang kaniyang mata.

Mabuti na lang.

Bahagya na ding bumagal ang kaninang sobrang bilis na tibok ng puso ko. Atleast buhay siya!

I was about to ask him his parent's number nang bigla na lang nitong i-angat ang kaniyang kamay papunta sa... mukha ko?

Anong ginagawa nito?

May kung anong sinabi ito pero hindi ko masyadong naintindihan, "P-patay na ba ako?"

"Huh? A-ano yun Mr?" tanong ko pa dito pero bumagsak na ang mga kamay nito at tuluyang nawalan ng malay. Itinapat ko ang daliri ko sa may butas ng ilong niya para i-check ulit, humihinga pa siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din ang ambulansya. Kasunod nito ang ilang police cars. Matapos kong paulit-ulit na mag-bigay ng statement sa mga police ay dumiretso na ako sa Hospital.

It was reckless driving, I didn't saw him coming though and the police said the driver was drunk, but the thing is.... I'm over speeding, and he's drunk. Therefore parehas kaming may kasalanan sa nangyare.

Anyway, I just wanna know that he's fine. Gosh! I'm only 18, masyado pa akong bata para makapatay ng tao!

What a nice welcome, isn't it? I tell myself as I was walking towards the information desk of the hospital.



Song:

1. The Night We Met- Emilee (Cover)

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now