VAN's
"NAGDUDUDA na siya." Parang siguradong-siguradong sabi pa saken ni Avery habang pababa kami ng hagdan.
Nasa bahay niya ako ngayon at tumutulong sa pag-aayos ng birthday party niya. Wala akong choice kundi ang sundin siya dahil kung hindi, gagamitin na naman niya yung mga pictures naming magkasama noon sa korea, para takutin ako na ipapakita niya daw yun kay Quine.
Nag-kasundo kami na sasamahan ko siya at susundin lahat ng gusto niya...hanggang sa mag-sawa daw siya.
Wala akong magagawa kundi sumang-ayon. Ayokong masaktan si Quine dahil sa kalokohang nagawa ko. Hanggat maari, gagawin ko ang makakaya ko para hindi siya mag-duda. Lahat ng excuses na alam ko nasabi ko na ata sa kaniya. It's white lie anyway, as long as my intentions were good.
"Hanggat wala kang sinasabi sa kaniya, hindi siya magdududa." Mariin kong pagkakasabi kay Avery, binabantaan ito.
"Sa dami ng naging girlfriend mo dati hindi mo parin kami kilalang mga babae? Malakas ang intuition namin Van, maliban na lang kung tanga yang girlfriend na pinalit mo saken." Sa inis ko sa sinabi nito kay Quine ay naitulak ko siya sa may pader habang hawak-hawak ang leeg niya.
"Huwag mo nga siyang itulad sayo." Gigil kong sabi dito saka agad itong iniwan sa may hagdan at dali-daling bumaba sa may kusina.
Naandun sina Mike at iba pang mga lalake at naghahalo na ng mga alak. Kumuha ako ng isang beer saka walang sali-salitang lumabas sa may swimming pool.
Umupo ako sa gilid ng pool habang nasa tubig naman ang mga paa ko.
Napapagod na ako. Gusto ko nang bumalik sa dati. Just me and Quine...nothing in between.
Nag-hihinala na nga kaya siya?
Hindi...sana hindi.
Napasabunot ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano ako aalis sa gulong pinasok ko.Lumipas ang mga oras. Nag-umpisa na din ang pag-dami ng mga tao sa bahay ni Avery.
Mga ka-schoolmate namin at ilang kaibigan ni Avery ang ininvite niya sa birthday niyang 'to. Sakto namang nasa business trip pa ang mga magulang niya kaya solo namin ang buong bahay.
Nag-umpisa na ding umingay. Usap dito usap doon, sinabayan pa iyon ng malakas na tugtog. Nangangamoy usok na din ng sigarilyo ang buong lugar na may halo pang amoy ng alak at pabango ng mga taong nadadaanan ko.
Napahinto ako sa paglalakad nang may bigla na lang humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko ay hindi ko mapigilang hindi magulat.
Bakit siya nandito?
"A-Alec?"
"Ikaw nga Van! Akala ko kanina kung sinong modelo ang nakikita kong naglalakad eh." Peke akong tumawa sa sinabi nito.
Akala ko hindi siya iinvite ni Avery since kaibigan siya ni Quine? Napag-usapan na namin 'to ah?
"Sino kasama mo?" Lumapit ako ng konti para marinig niya ang sasabihin ko.
"Ako lang! Ayaw nung mga baklang pumunta! Eh ikaw? Bakit ka andito?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang yun. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Alam ba ni Quine na andito ka?" May tono ng concern sa boses niya. Ngumiti ako at... nag-sinungaling.
"Oo, alam niya." Bigla namang nanlaki ang mga mata nito.
"Talaga? Pinayagan ka niya? ang baklang yun talaga masyadong mabait! Ikaw ha! Umiwas ka sa kalokohan kung ayaw mong manapak ang baklang 'to!" Aniya sabay taas pa ng kamao nito. Tinawanan ko na lang biro niyang yun.
Maya-maya pa ay may biglang lumapit samen ni Alec na mga kapwa niya din bakla. Kinuha ko yun bilang tiyempo para makalayo sa kaniya.
Hinanap ko agad ang mukha ni Avery sa dagat ng mga tao sa loob ng bahay niya. Buong school ata ang pinapunta niya eh!
Nang makita ko si Mike ay kaagad kong tinanong dito kung nasa-saan si Avery.
Itinuro niya ako sa may pool. Pagkalabas ko ay agad ko ding nakita si Avery, naka-bikin ito at may hawak-hawak pang alak habang lumalangoy. Sa itsura niya, mukhang lasing na siya.
"Avi!" Malakas kong tawag sa pangalan nito na kaagad naman niyang narinig.
Lumangoy-langoy ito palapit sa direksyon ko agad ko itong tinulungang umakyat.
"Bakit?"
"Mag-usap tayo!" Agad kong sabi dito. Masyadong maraming tao at maingay din kaya baka hindi kami magkarinigan ng maayos.
Bumuntong-hininga ito saka ako niyaya sa kwarto niya, kaagad naman akong nag-alangan.
"Relax! Mag-uusap tayo diba?" Sabi pa nito matapos makita ang mukha ko.
Matapos nitong balutin ng robe ang sarili ay saka kami umakyat sa kwarto niya.
"Ano ba yun?" Agad nitong tanong pagka-pasok namin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa,
"Si Alec, bakit andito siya? Akala ko ba hindi mo ii-invite dito ang mga kaibigan niya?"
Umupo ito sa may kama saka ako tinitigan ng walang kaemo-emosyon.
"Tingin mo ba hindi niya malalalaman na andito ka? Kilala ka ng lahat ng andito Van. Kaya i-invite ko man o hindi ang mga kaibigan ng girlfriend mo...hindi ka parin makakalusot dito." Makakalusot?
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Tingin mo ba talaga...may forever kayong dalawa?...kilala mo ba ang girlfriend mo Van?" Inantay kong ipag-patuloy niya ang sinasabi niya. Dahil maski ako...
Hindi talaga siya kilala.
"Hindi kami kasing yaman nila pero...tingin mo gaya mo ang makakatuluyan niya? Ha? Malabong mangyare yun Van...kaya kung ak—" hindi ko na ito pinatapos pa sa mga walang kwenta niyang sinasabi.
Sa inis ko ay agad kong dinakma ang kwelyo ng robe na suot nito.
Konti na lang talaga...konti na lang at papatulan ko na siya!
"Wala kang alam. Lahat kayo ganyan ang sinasabi...bakit? Kayo ba kilala siya?!" Sa halip na magpakita ng takot ay ngumisi ito ng nakakaloko saken.
"Bakit? Ikaw din ba kilala siya?"
Hindi ko mapigilang hindi mapa-isip sa binitiwan niyang salita.Nang wala na akong ma-isip pang sabihin kay Avery ay binitiwan ko na ito saka wala sa oras na napasabunot na lang sa sarili ko.
Pinuno ng mga salitang binitiwan noon ni papa ang utak ko, pati na din ang sinabi ngayon ni Avi.
Wala si isa samen ang nakaka-alam ng pwedeng mangyare sa hinaharap...at gaya ng sinabi ko kay Quine noon.Whatever happens to us tomorrow... What we have is now, and that's enough.
Tama...hindi dapat ako mangamba.Nang unti-unti nang kumalma ang isip ko ay nag-pasya na akong lumabas na ng kwarto ni Avery.
"Sige, aalis na ako." Paalam ko dito.
Pero...hindi pa man ako nakakatalikod ay bigla na lang nitong inilapit ang sarili saken saka ako marahas na hinalikan sa labi.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
TeenfikceVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...