CHAPTER 30

491 29 2
                                        

VAN's

" K-KUNG bumagsak man ako mamaya, matatanggap mo parin ba ako?" Nakanguso kong tanong kay Quine. Nasa may hallway na kami ng mismong floor ng classroom namin.

Sa sobrang kalutangan ko ay hindi ko talaga narinig ang prof namin na nagsabing may test kami ngayon.

"Ano ba kaseng ginawa mo at hindi ka nakapag-review?" pagsusungit naman nito saken.

" Hindi ko talaga natandaan na may test tayo ngayon, promise! Cross my heart." Sabi ko pa dito sabay guhit ng ekis sa may puso ko.
Tinaasan lang ako nito ng gilid ng nguso niya.

Napabuntong-hininga na lang ako ng wala sa oras pagpasok namin sa room. Lahat ng mga classmmate namin may grouping's review. Mukhang lahat sila handa, maliban saken.

" Okay, everyone! Make sure to put your bags on the floor in front of you. You can use pencils first, no erasures! Is that clear?" Sabi pa ng teacher namin sa harapan.

"Yes Miss!" Our classmates answered in chorus.

Mukhang ako lang ang walang maisasagot ngayon. May choices kaya? Sana. Lumingon ako kay Quine na ihinahanda na ang ballpen at lapis na gagamitin niya.

" Hoy," tawag nito saken, pero nasa harapan lang ang tingin.

"B-Bakit?"

"Magsagot ka lang. Heto," iniabot niya saken yung mechanical pen niya.

"Gamitin mo muna yan. " kinakabahan ako sa paraan niya ng pananalita, para kaming may gagawing delikadong bagay.

" A-anong balak mo?" Kabadong bulong ko sa kaniya. Kasalukuyan nang nagbibigay ng test papers yung teacher namin.

Lumingon pa muna ito saken, "Akong bahala." sabi niya pa sabay kindat.

Alam kong test namin ngayon at dapat kinakabahan ako dahil wala akong review pero dahil sa kindat niya...pakiramdam ko ayos lang kahit bumagsak ako.

I can't help but smile at her. Yeah right, it's her, only her could make any bad day good.

Gaya ng sabi ni Quine, nag-sagot ako, ay hindi, nanghula ako. Composed of true or false yung first part, tapos enumeration naman yung next at identification yung last.

Saan ba ako habang tinuturo 'to? Parang narinig ko na yung iba dito eh... Mukhang divine intervention ang kailangan ko ngayon.

"Okay, 30 minutes left." Maya-maya pa ay sabi ng prof namin.

30? Eh halos wala pa nga akong nasasagot ah?

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagsagi ng paa ni Quine sa paa ko, dahilan para  mapunta sa kaniya ang atensyon ko.

" kapag tumalikod siya, alisin mo yang kamay mo sa desk." Hindi niya binubuksan yung bibig niya habang sinasabi niya saken yun.

Kahit na wala akong alam sa pinaplano niya—na mukhang hindi maganda— Kabado akong tumango kahit nasa papel niya ang mga mata niya.

Maya-maya nga ay tumalikod na din yung prof namin. Ginawa ko yung sinabi ni Quine, inilagay ko sa may hita ko yung kamay ko at sa isang iglap lang... Napagpalit na niya yung papel namin nang wala man lang nililikhang tunog. Wow.

Nagtuloy siya sa pagsagot nung papel ko na parang walang nangyare.

Habang ako naman ay nanatiling nakatulala sa mismong papel niya na papel ko na ngayon.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now