CHAPTER 9 (I)

624 32 7
                                    

VAN's

NAGISING ako sa nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa malaking bintana. Sa sobrang liwanag ng paligid para akong nasa langit.

Kinusot-kusot ko ang mata ko. Nang malinaw na ang paningin ko ay saka ko nakitang white pala ang pintura sa paligid ko kaya ang liwanag.

Ibinangon ko ang sarili mula sa pagkakahiga at umupo sa sofa kung saan ako natutulog. Oo nga pala, sabi ko sa sarili ko nang unti-unting bumalik ang memorya ko sa nangyari kagabi.

Yung pagpapasundo ko sa kaniya. My sudden burst of emotions. And of course...napahilamos ako sa mukha ko nang maalala yung pag-iyak ko. Nakakahiya.

Kalalaki kong tao, aish!

Umupo muna ako saglit sa sofa na kulay grey at sobrang lambot, saka ko pinagmasdan ang buong bahay ni Quine.

May malaking shelf sa harap ko kung saan nakapatong ang napakalaking TV. Nakapalibot doon ang ibat-ibang displays at libro din.
Her house is covered in white wooden floor, more like Ivory. Walang masyadong matingkad na kulay akong nakikita sa paligid, kung hindi grey, pastel blue ang kulay na nakikita ko. Modern style ang apartment niya.

Tumayo ako, sa likod ng malaking shelf ay ang kusina. May kitchen island siya, may wine rack din akong nakita. Kulay grey ang mga cabinets at silver naman ang double door ref niya. Nakakamangha ang ganda ng bahay niya kahit na simple lang ang disenyo nito.

Lumipat naman ang atensyon ko sa Loft room ni Quine, kitang-kita ko siyang natutulog mula sa kinatatayuan ko.

Sa ibaba ng loft room niya ay ang study table nito at may double door naman sa gilid nito. Kung hindi ako nagkakamali walk-in niya iyon. Nakita ko siyang pumasok doon, paglabas niya ay may dala na siyang damit kaya I assume na walk-in closet niya ang nasa loob nun.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na apartment pala ang nasa building na 'to. Last week lang kase ay tumambay ako dun sa may cafe at agad na naging kaibigan yung may-ari nun. Interested talaga ako sa lahat ng tungkol sa coffee. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya yun kagabi kaso nawalan din ako ng ganang mag-salita.

Hayss. Gusto pa sanang bumalik sa pagtulog pero sobrang liwanag ng bahay ni Quine. Sa sobrang laki ng bintana sa sala, hindi mo na kailangan pang magbukas ng ilaw.

Sobrang lambot din ng sofa niya, hugis letter L yun at may kulay abo, may dalawa pang extrang upuan sa kabilang side sa tapat lang mismo ng bintana.

Kahapon nagulat pa ako nang makita ko ang itsura ng banyo niya, pagpasok mo kase ay bubunga agad sayo ang isang malaking salamin at sink, sa gilid nito ay washing machine. Tapos sa kaliwa naman ay isa pang pintuan kung nasa saan ang shower at bathtub niya na katabi lang ang bintana.

Nung araw na makita ko si Quine sa hospital, alam kong mayaman siyang tao. Iba ang postura niya, ang way niya ng pagsasalita at pakikisalamuha sa ibang tao. Pero minsan lumalabas din ang pagiging jolly niya, lalo na kapag kasama sina Alec. Mas gusto kong pagmasdan siya kapag ganon. Masaya at hindi nagsusungit.

Binasag ng katok sa pintuan ang pagdi-daydream ko. Agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan para buksan yun.

Isang lalake ang bumungad saken. May dala itong Tupperware. Nagtataka ang mga tinging ipinukol nito saken sabay suyod sa kabuuan ko.
Pinasadahan ko din ng tingin ang suot niya, naka-pantulog pa siya at mukhang kagigising rin lang. Maputi at may itsura ito...teka...boyfriend— ay hindi, sabi ni Quine single siya. Kaya sino 'tong lalakeng 'to?

"H-hey there?" nag-aalangan bati nito. Mukha itong may lahi. Kulay tsokolate ang kulot-kulot nitong buhok at mukhang...yayamanin din.

"P-pwede pumasok?...kaibigan ako ni Quine." tanong pa nito saken.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now