QUINE's
"SAAN ka nga pala namin ibaba Van?" pagbasag ni Tim sa katahimikan namin. Tinignan ko si Van sa rear view mirror, nakatingin siya sa labas ng bintana, ulit.
"Kahit sa train station na lang. Yung malapit sa school." Sagot nito.
Hindi ko alam na may train station pala malapit sa school. Mag ko-commute ba siya? Bakit hindi na lang siya magpahatid diretso sa bahay niya? Isip-isip ko.Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa labas ng bintana. Out of nowhere ay bigla kong naalala yung unang araw na magkasalubong ang landas namin ni Van. Akalain mo nga namang ang liit ng mundo naming dalawa. Akala ko talaga kabilang siya sa mga tao na bigla-bigla na lang dadaan sa buhay ko at mawawala din agad, hindi ko din talaga inakala na magiging magka-klase pa pala kami buong taon.
Some say that no soul meet by accident, maybe ours is a destined accident then?
Narating na din namin sa wakas ang train station na tinutukoy ni Van. Mahaba na ang pila ng mga tao at halos lagpas hagdanan na, ngayon lang ako nakakita ng ganito kahabang pila sa stasyon ng tren.
" Van, ayaw mo bang ihatid ka na lang namin?" tanong ko kay Van ng makahinto na kami sa bandang gilid ng kalsada. Masyadong mahaba ang pila at mukhang mabagal din ang usad, baka anong oras pa siya makauwi kung pipila din siya.
Hindi sa nag-aalala ako sa kaniya, pero kase tumulong siya kanina sa mga bata for sure pagod na din siya ngayon. Ako ngang walang masyadong ginawa napagod eh, siya pa kaya?
"Hm? Hindi na, okay na ako dito. Staka may kailangan din kase akong daanan. Sige, salamat sa inyo." Nagmamadaling sabi nito at tuluyan nang bumaba sa kotse.
" Sigurado ba siya? " pabulong kong sabi sa sarili ko.
" Tara na." Ani Tim saka muling ibinalik sa kalsada ang kotse.
"Gusto mo bang sa restaurant na lang tayo kumain? O mas gusto mong mag-luto na lang ako?" napalingon ako kay Tim nang mag-tanong ito. For sure ay parehas kaming napagod sa pagbisita namin sa bahay-ampunan kanina, masyadong hassle kung paglulutuin ko pa siya.
" Sa restaurant na lang tayo. " sagot ko sa kaniya.
Masyadong traffic sa daanan papunta dun sa restaurant na tinutukoy ni Tim kaya naman nag-decide na lang kami na sa mall kumain since may mga restaurants din naman dun.
Sinalubong agad kami ng malamig na hangin mula sa aircon pagka-pasok namin sa mall. Madami ding tao, hindi na nakakagulat since Saturday ngayon.Pumasok kami sa isang korean-style restaurant, dun lang kase may vacant seat pa. Halos lahat kase ng kainan ay crowded, hindi din naman kami sanay ni Tim sa mga mahahabang hintayan at pilahan.
Pagka-upo namin ay agad na nag-bigay ng menu ang waiter, hinayaan ko na lang si Tim na mag-order ng food namin since siya naman ang food expert saming dalawa.
Habang hinihintay ang order namin ay bigla namang nag-tanong saken si Tim.
"Pano nga palang nasa apartment mo siya kanina?" Alam ko agad na si Van ang tinutukoy niya. Akala ko palalampasin niya yung kanina...nagkamali ako.
" Nagpasundo siya kahapon saken. Wala prin kase yung kotse niya. Tingin ko nga matatagalan sila sa pag-aayos nun, 1969 model pa yun at mukhang na-damage ko din ata yung makina nun sa impact," naudlot ang pagku-kwento ko nang dumating yung order namin. Hinayaan ko munang matapos nung mga waitress ang pagsi-serve sa pagkain. Nang matapos na sila ay pinagpatuloy ko na ulit ang pagkukwento habang kumukuha ng pagkain.
"At ayun nga, nang nasa tapat na kami ng apartment niya tapos nakalimutan niya pala yung susi sa bahay niya dun sa bahay nung kaibigan niya," I skip the part kung saan umiyak si Van, which until now, I don't know why.
Nang matapos na akong magkwento ay sinimulan ko na ang pagkain ko.
"Well, I could see that he's a good man. I think he could be a good friend to you. gusto kong matawa sa sinabi niyang yun.
" Type mo ba siya?" biro ko dito. Inirapan naman niya agad ako.
"You wish. Why don't you just try to make new friends?"
"I alredy did." I immediately answered. I told him about Alec and Kary. But I still doubt considering them as friends. I'm not really good at dealing with people. I grew up knowing mostly families of businessmen, then immediately forgetting about them. I don't have school friends except for Tim. For short, I'm not really good at making friends...and treating people as my friend.
" Then why not also befriend Van?"
"Gustong-gusto mo siya ano? Bakit hindi na lang ikaw makipag-kaibigan sa kaniya?" Sarkastiko kong tugon dito, he don't mind me talking like that though.
"Well, I considered him as a friend now. And by the way, he's a good looking one, maybe it's your chance to do some flirt—"
"Shut up now or I'll gonna send you back to Australia?" nagtaka naman ako ng ngumiti siya ngunit may halong lungkot sa mga mata. There's something wrong.
" You don't have to. Alam na nilang andito ako." oh, I knew this would happen. I just couldn't believe it to be this fast.
"Kailan ang alis mo?" nawala na ang saya sa table namin.
May kung anong lungkot akong nararamdaman. Pano ba naman, baka ilang buwan o taon ang abutin bago ulit kami magkitang dalawa. For sure magiging busy siya, at ako naman? Magpapatuloy sa pag-aaral ko.
" I think I needed to go back to Australia next week...Dad said I needed to go back as soon as possible." He sighs.
"Sabi ko naman kase sayo kung balak mong magtago, hindi mo dapat ako sinundan dito."
" I know. I just really want to go back here."
Kahit naman ako. Parehas kaming lumaki dito sa pilipinas. Marami kaming ala-ala dito nung bata pa kami. Kapag inaalala ko ang mga yun, parang kahapon lang iyon nangyare lahat.Hindi na masyadong traffic pag-uwi namin. Halos dalawang oras din pala kaming kumain dun sa mall, hindi ko talaga namamalayan ang oras kapag masyado akong dumadaldal.
Pagkauwi namin ay nag-goodnight na kami sa isa't-isa atsaka na dumiretso sa kaniya-kaniya naming unit. Habang ina-unlock ko ang apartment ko ay sumagi sa isip ko kung nakauwi na ba si Van. 9:45 na sa phone ko.
Sa haba nung pila sa train station, anong oras pa kaya siya makakasakay?
Thanks for reading, please vote!
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...