CHAPTER 34

421 25 2
                                    

QUINE's

"BAKIT ayaw mong ihatid kita?" Nakasimangot kong tanong kay Van. Pano ba namang hindi? Kahapon ko pa siya pinipilit na ihatid sa airport pero ayaw niya talaga. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya kaya gusto ko talagang maihatid siya.

"Ayokong nagpapaalamanan kase. Sinabi ko na 'to kahapon diba?" Sinabi niya ba? Nagbuntong-hininga na lang ako saka pinagpatuloy ang pagtulong sa kaniya sa pageempake ng mga gamit.

Ilang araw din akong nag-stay dito sa aparment niya, para naman maiba. Palagi na lang kase kaming sa apartment ko. Kahit na studio type lang ang laki apartment niya. Mas enjoy naman ako, lalo na kapag nagigitara siya at kinakantahan ako...feeling walang talent pa siya, kala mo talaga hindi maganda boses niya.

Hindi ganon kaganda ang boses ko kaya naman dinrawing ko na lang siya which is talent ko na pwede ko ding maipagmayabang sa kaniya.

Para kaming jack and rose nang mga oras habang dino-drawing ko siya, yun nga lang ako si Jack at si Van si Rose. Hindi siya nakahubad—sayang nga eh— naka-upo siya na para bang kukuhanan ng ID picture...ang cute niya nun. Nang ibigay ko nga sa kaniya yung natapos kong sketch ay sobrang lawak ng ngisi niya, parang bata. Pero deep inside...feeling ko ang galing-galing kong artist ng dahil sa reaction niya, yung tipong feeling ko kapantay ko na si Gogh.

Napaisip tuloy ako kung ganon ba talaga kapag pinupuri ka ng taong mahal mo, feeling mo ang galing-galing mo at kahit anong bagay ang gawin mo...alam mong kaya mo.

Pero kapag nilalait ka naman, ayos lang kase feeling mo wala naman kayong pinag-iba.

Kahit na palagi akong inaasar ni Van...hindi ako nasasaktan. Sabi nga niya dati, hindi niya ako type. Dahil lahat ng flaws ko...tanggap niya.
Hayss, mamimiss ko siya.

Nag-hiwalay kami sa tapat ng apartment niya pagkatapos. Sinundo siya ng driver ng papa niya kaya wala talagang way para masamahan ko siya. Mag-isa akong umuwi sa apartment ko. Wala pa man ay gusto ko na siyang makita ulit.

"Hello Al?" Bungad ko agad nang sagutin ni Alexander ang tawag ko.

Dahil wala si Van ay marami akong oras para sa mga bagay na dapat ko munang pagtuunan ng pansin.

"Yes Ms. Quine?" Dinig ko ang pag-higop nito sa kabilang linya, coffee lang naman ang hilig niyang inumin kaya yun agad ang pumasok sa isip ko.

"Are you busy?" May gusto akong ipagawa sa kaniya at magiging matrabaho yun. Kaya gusto kong malaman kung may pinapagawa pa ba sa kaniya si Dale.

"Uhm, no Ms. Quine, just a bit of paper works and stuff...Why?" Medyo nag-alangan man ay sinabi ko parin sa kaniya ang talagang pakay ko.

"I want you to do something for me...it's a private matter."

Sinabihan ko si Al na pakilusin ang ilang mga tao namin sa korea. Kung sasapat ang investments na mukukuha nila, hindi na sila lilipat pa ng iba...kailangang sa korea lang sila.

24 hours, gusto kong bantayan nilang mabuti ang papa ni Van, gusto ko ding makakarating sakin kung sino man ang mga taong kakausapin nito, a head of time. 

Two days later.

Si Mr. Xiu ang ka-meeting ng papa ni Van ngayon. Nalaman ko na ilang araw nang hinahabol ni Thobias si Mr. Xiu, hindi na ako nagtaka kung bakit. Si Mr. Xiu ay may kapit sa minister ng korea at ilan pang politiko.

Mas lalo tuloy akong humanga dito...Mautak talaga ang papa ni Van.

Kahapon, kinausap ko si Mr.Xiu via video call. Wala akong koneksyon sa kaniya pero nalaman ko na matagal na niyang gustong maging ka-partner namin, at yun nga ang ginamit ko.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now