II

424 22 1
                                    

QUINE's

THIS past few months, hindi naging madali ang lahat para saken. I needed to pretend I'm fine sa harap ng lahat, kung hindi baka may lumabas na namang article tungkol sa kalagayan ko.

My work and some of my duties helped me distract myself from thinking about Van.

Pero...every night, I can't help but wonder where he is and what he's doing? Is he happy with her? Did he even received my letter? Over all...how is he?

Sometimes, I even found myself staring blankly everywhere. My heart misses him so much...but the thing is, there can't be us anymore. I just don't know why I am still hoping.

Hindi naman na talaga ako umaasa. Weeks after kong umuwi dito sa Australia, I already started moving on, accepting things that are already done to the both of us.

Pero isang araw...bigla na lang yung nagbago.

There is this coffee shop in front of our company building na palagi kong nadadaanan kapag papasok ako sa office. Isang beses lang nangyare yun pero feeling ko...totoo.

I saw him, Van...inside the coffee shop wearing what seems like a server's uniform. At dahil gusto kong makasigurado, pinacheck ko kung may empleyado ba silang nagngangalang Van.

At aaminin ko, na- disappoint ako nang sabihin nilang wala.

Doon ako nag-simulang mag-isip. Pano kung sumunod siya saken? Pero may parte saken na nagsasabing pinapaasa ko lang ang sarili ko. Imposible naman kase talaga yun.

It was Avery after all, that's why he wouldn't waste time coming here for me. And besides, sinabihan ko na din siyang sana hindi na kami magkita pa ulit.

Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras. Si Van na naman kase ang nasa isip ko.
Nabalik ako sa reyalidad sa katok ng secretary ko sa may pinto.

"Ma'am, Mr. Daven's here," she look so apologetic.

Wala akong nagawa kundi ang tumango bilanh sagot sa kaniya.

Binuksan nito ng malaki ang pinto para papasukin ang taong nasa labas nun.

"Hey there Quine?" Kunot-noo ko itong tinitigan.

Si Daven ay anak ng tumatakbo ngayong Prime Minister ng bansa. Nang magsimulag mangampanya ang papa niya ay todo dikit sila samen para sa suporta, to the point na pinagkalat pa nilang boyfriend ko na si Daven. At dahil sa padalas ng padalas nitong pagpunta dito sa opisina ko, pinag-uusapan na naman ngayon ng lahat ang pagpapakasal ko... Lalo pa at inaakala ng lahat na ako ang ikakasal at hindi si Timothy.

"You have a minute to explain why you're here," seryoso kong sabi dito saka muling itinuon sa mga papers na nasa desk ko ang atensyon.

"Oh, why are you always like that? I just wanted to visit you."

Visit? Visit niya mukha niya.

"Why won't we drink some tea and talk for a while? Aren't you tired working?" Hindi ko ito sinagot at nanatili lang na naka-tuon ang atensyon sa mga papel.

"We have a new proposal..." Sabi pa nito nang hindi ko siya pinansin, dahilan para mag-angat ako ng tingin dito.

"And what is that?"

It's business time. Sabi ko pa sa sarili ko bago tumayo saka umupo sa couch katapat ng kay Daven.




VAN's

"GUYS! We need to prepare another set of meal," nagulagt ako sa announcement na yun ni Albert pagka-pasok sa may kusina.

"Bakit?" Takang tanong ko dito nang makalapit na ito saken.

"Andiyan boyfriend ni boss sa office, dito daw maglalunch kaya kailangan nating mag-luto ulit." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig kong sinabi niya.

"B-Boyfriend?"

"Oo, anak ng tumatakbong minister yung lalake. Gwapo din daw eh, kaso-"

"Sure ka?" Paglilinaw ko pa dito. Para kaseng ayaw tanggapin ng katawan ko ang naririnig ko.

"Oo, naman! Usapa-usapan pa nga na ikakasal na daw si boss eh...teka, tara na! Magluluto pa tayo."

Si Quine... Ikakasal?

"Hoy Vincent!"

Para na naman akong nauubusan ng hangin. Hindi ko pinansin ang pagtawag saken ni Albert.

Kaagad akong lumabas para lumanghap muna ng hangin. Umupo ako sa isa sa mga bench na nakita ko sa labas. 

Tama...nakalimutan na nga niya ata ako.

Kumikirot ang puso ko. Para iyong hinihiwa ng dahan-dahan gamit ng kutsilyo.

Parte na nga lang siguro ako ng naging bakasyon niya sa pilipinas.

Tama nga sina papa at Avery, hindi gaya ko ang lalaking makakatuluyan niya. Bakit ba ako umasang...kami hanggang sa huling pahina?

Akala ko...kakayanin ko. Wala din naman akong ibang gusto kundi ang makitang okay at maayos siya. Pero masakit...nasasaktan parin ako dahil hanggang ngayon, umaasa ako na baka pwede pa...baka may pag-asa pa?

Pero kasalanan ko naman kung bakit nangyare samen 'to. Nagsinungaling ako sa kaniya, sinaktan ko siya, ginawa ko ang bagay na nangyare saken noon sa kaniya.

Tama lang 'to...tama na 'to Van. Tumigil na ka na dito.

Matapos punasan ang pisngi ko at ayusin ang sarili ay kaagad na akong tumayo para bumalik na sa loob. Pero kasabay ng pagtayo ko ay siyang pag-ikot ng paligid ko... Bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako kumakain ngayong araw.

Halos wala na akong makita pa pagbagsak ng katawan ko sa lupa, sinabayan pa iyon ng pagsakit ng tiyan ko.

Well, madalas nang nangyayare ang ganito saken.

Konting tulog lang, magiging okay din ako.

Pero yung puso ko...kahit anong gawing ko masakit parin yun. Kahit anong gawin kong tulog, inom ng gamot...wala parin.

Si Quine...hindi na saken ang girlfriend ko.




QUINE's

PAPUNTA ako ngayon sa business meeting. Habang nakadungaw sa labas ay bigla ko na lang naisip na naman si Van. Wala sa oras akong napabuntong-hininga na lang.

"He never leave." Sabi ko sa sarili ko.

"Hmm? Ms.Quine?" Ani Andrey, secretary ko. Pilit akong ngumiti dito, narinig niya pala ako.

"Nothing. Just wake me up once we got in there." Bilin ko dito saka agad na ipinikit na ang mga mata ko.

Pagbalik ko dito sa Australia, mas naging malala ang insomnia ko. Yung tipong dalawa o kaya ay tatlong oras lang akong tulog ko, o mas masaklap wala akong tulog.

Kahit anong inom ko ng sleeping pills, wala paring epekto saken.

Pero...Hindi pa man ako nakakatulog ay bigla ko na lang naramdaman na may biglang bumangga sa kotseng sinasakyan namin...sa sobrang lakas ng pagbangga ay tumama pa ang ulo ko sa salamin ng bintana, dahilan para unti-unting manlabo ang paningin ko.

sumunod ko na lang na nalaman...nililipat na ako ng ilang lalake sa stretcher. Gusto kong itanong sa kanila kung okay lang ba ang driver at secretary ko pero masyado akong nahihilo, hanggang sa...wala na akong makita bukod pa bukod sa kulay itim.



Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now