CHAPTER 24 (I)

501 28 0
                                    

VAN's

BAKIT ba kailangan niya pang itanong yun? Nawala tuloy ako sa mood bigla. Nakakainis.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa may hagdanan, haggang ngayon kase hindi parin umaakyat si Quine.

Napaupo ako matapos pa ang ilang minutong paghihintay, agad ko namang nakita itong nakasandal sa may kitchen island. Nakapatay na ang mga ilaw at tanging ilaw na lang mula sa kusina ang nagsisilbing ilaw sa buong apartment niya. Nakayuko lang ito at may hawak-hawak pang baso sa kamay.

Bigla tuloy akong nakonsensya sa ginawa ko. Hindi naman talaga ako galit, naiinis lang dahil sa sinabi niyang ipagpapalit niya din ako. At kahit pa biro yun, nasaktan parin ako. Words said unintentionally are more hurtful.

Hindi masayanh ipagpalit sa iba, lalo na kung alam mo na mas higit ka.

Hindi ko rin alam kung bakit nag-react ako ng ganon kahit pa alam ko namang biro yun.
Tapos idagdag mo pa yung inuutos ni papa saken. Hindi ko ginagawa ang lahat ng 'to para sa kaniya...pero dahil sa utos niyang yun, parang ginagawa ko na din siya ng pabor.

Napahilamos ako ng mukha ng wala sa oras. Pumikit ako ng ilang minuto para pakalmahin ang isip ko. Pagkatapos ay tumayo na ako at bumaba ng hagdan.

Mukhang malalim ang iniisip ni Quine kaya hindi nito napansin ang presensya ko nang nilapitan ko na siya.
Tinawag ko ang pangalan nito para pukawin ang atensyon niya.

"Quine?" gulat itong napalingon saken, dahilan para pati ang hawak nitong baso ay mabitawan niya at mabasag.

We both gasped at the same time. I told her to not move habang kinukuha ko yung walis para linisin yung bubog sa sahig.

" Ayos ka lang?" agad kong tanong pagkatapos kong maglinis. Tumango naman siya agad.

"Ayos lang. Medyo may..." ini-angat nito ang binti kung saan may ilang sugat sa may bandang baba. Naka-shorts lang kase siya.

" Tsk, tara gamutin natin."

"Hindi na. Maliit lang 'to, bukas tuyo na yan."

"Anong maliit? Kahit pa, pano kung magpeklat yan? Tara na." muli ko siyang hinila papuntang sala pero agad din nitong binawa ang kamay niya.

" Hindi na nga. Maliit lang naman kase."
Bakas na sa mukha niya ang inis.

"E-Eh di palakihin natin para ipagamot mo na." Biro ko pa, pero agad din ako nitong sinamaan ng tingin.

" Maliit lang 'to. Matulog na lang tayo." sabi pa niya saka nagtungo na sa may hagdan papuntang higaan niya.

Naiwan akong nakanganga sa baba. Hindi ba ako ang galit samen? Ano ba yun? Nawala tuloy bigla ang inis ko.
Kinuha ko ang first aid saka umakyat na.

Pagka-akyat ko ay agad akong dumiretso sa may paahan ni Quine. Inalis ko ang nakatalukbong na kumot nito sa bandang paa, dahilan para mapabalikwas ito ng upo  sa kama at takang tinignan ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Eh di gagamutin yang sugat sa binti mo" I told her, as a matter of fact.

" Oo alam ko, pero sabi ko sayo wag—" tinuptop ko ng cotton buds yung labi niya para matigil na ito sa pagsasalita.

"Shh na, okay?" Sabi ko saka sinimulan nang gamutin ang sugat niya.

" Naiinis ka ba kase nagalit ako o naiinis ka kase makulit ako?" tanong ko sa kaniya habang nilalagyan ng ointment ang sugat niya.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now