VAN's
HABANG kinukwento ko ang kabuuan ng buhay ko kay Quine, pakiramdam ko napaka-vulnerable ko.
Kung may salitang mas huhubad pa sa salitang 'hubad', ganon ang nararamdaman ko ngayon.
Alam kong nakikinig siya sa kwneto ko, pero wala siyang sinabi ni isang salita saken.
Nagtataka ako dahil hindi yun ang inasahan ko. Inaasahan ko kase ang mga salitang sinasabi ng iba para pagaanin ang pakiramdam ng isang tao. Gaya ng : 'ayos lang yan.', 'magiging okay ka rin', 'wag ka ng mag-alala', 'andito lang ako.' At kung ano-ano pa.
Sa halip ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko. At sa totoo lang, para saken higit pa iyon sa ano mang naiisip kong salita.
"Minsan ba naisip mong pumunta sa isang napakalayong lugar, tapos mag-uumpisa ka ng buhay dun? .... Tapos wala ni isa sa mga taong naandun ang nakakaalam kung sino ka talaga?" Bigla kong tanong sa kaniya. Isa yun sa mga bagay na gustong-gusto kong gawin, sabihin na nating pangarap... Pero, siguro kapag namatay na si papa, saka lang ako magiging malaya.
Maya-maya pa ay nadinig ko na ding mag-salita si Quine.
"Hmm, naisip ko na din yan. Ang kaso lang hindi ko pwedeng gawin yun." Ganon? Agad kong naisip na parang parehas rin lang pala kami ng sitwasyon.
"Kung gusto mo, pwede naman tayong lumayo na hindi binabago kung sino talaga tayo." Makahulugan pa nitong dagdag.
Ipinatong ko ulit ang baba ko sa may balikat niya.
"Talaga? Kung sakali ba... Saan mo gustong pumunta?" Nang lingunin niya ako ay kaagad na nagtama ang mga mata namin.
"Gusto ko sa Amsterdam, tapos sa Switzerland," Malayo nga ang mga yun. Gusto ko ding pumunta dun...kasama siya.
Inilapit ko ang labi ko sa ilong niya, saka iyon hinalikan at pagkatapos ay pinagdikit ang mga ilong namin.
"Gusto ko ding pumunta dun." Sabi ko pa sa kaniya.
Kahit saang lugar, gaano man kalayo o kalapit, basta siya ang kasama ko siguradong hindi ako malulungkot. Sabi nga nila, mas masayang maligaw kapag may kasama ka.
Nanatili kaming magka-yakap sa tub, in-enjoy ang tunog ng ulan sa labas habang nakasandal lang ang ulo niya sa may dibdib ko.
Ilang minuto pa ang lumipas. Nang silipin ko si Quine ay nakatulog na ito. Kaya naman nag-desisyon na akong i-ahon na siya at nangungulubot na din ang dulo ng mga daliri namin.
Dahan-dahan kong ibinalot sa kaniya ang malinis na puting tuwalya saka siya pinahiga muna sa may sofa. Pagkatapos kong magbihis ay saka ko nilinis ang kalat namin sa kama niya. Nang matapos ko nang palitan ang bedsheet ay saka ko siya dahan-dahang ihiniga doon at kinumutan pagkatapos.
Sa sobrang himbing ng pagkakatulog niya...hindi ko mapigilang hindi siya panoorin.
Muli akong bumaba para kumuha ng damit niya. Pagkatapos ko siyang bihisan ay pansamantala ko muna siyang iniwan para umuwi saglit sa apartment ko.
We only have a week bago ako umalis kasama si papa, kaya naman susulitin ko yun kasama siya. I don't have enough money to bring her to Amsterdam or to Switzerland. But I know a great place far from the city that she'll surely gonna love.
Matapos kong mag-impake ng ilang mga damit ay dumaan ako sa mall para mamili ng mga kakailanganin namin. Wala pa man ay nae-excite na talaga ako sa naiisip ko.
Ngayon lang ata ako na-excite ng ganito sa buong buhay ko.
Pagbalik ko sa apartment ni Quine ay mahimbing parin itong natutulog, mukhang masyado ko siyang napagod.
Humina na din kahit papano ang ulan sa labas, pero malakas parin ang ihip ng hangin. Paniguradong sa linggo pa kami makaka-alis kung magpapatuloy ang ganito.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
