VAN's
NANG dahil sa sinabi kanina ni Avery ay nasira ang mood ko.
Bakit kailangan niya pang sabihin saken yun? At sa harap pa mismo ni Quine.
Hindi niya parin ba ako titigilan? At ang mas nakakainis pa, boto sa kaniya si papa.Si Avery kase ang unang babaeng nakilala ni papa na girlfriend ko. At ang tanging babae na nanggaling sa isang mayamang pamilya. Kaya botong-boto siya para kay Avery.
Maski ang pamilya namin ay magkasundo din. Sadyang ako lang talaga itong lumiliko ng landas.
Bago ako matulog ay naisipan kong i-text si Quine.
V: Sleep well. Goodnight. ❤
Napangiti ako nang maisipan kong lagyan ng heart sa dulo bago iyon i-sent kay Quine. Ilang minuto pa ang lumipas at naka-tanggap ako ng reply niya.
Q: Goodnight din. Btw, thank you sa apple rose at tulips. Ang sarap nila.
May kasama pang litrato yung message niya. Nakangiti kong tinitigan ang mukha niyang katabi nung plato kung saan nakalagay yung may kagat nang apple rose. Ang ganda niya.
Nag-type ako ng reply sa kaniya matapos ang ilang minuto.
V: Syempre, masarap din yung gumawa eh.
Q: Antok lang yan. Tulog ka na.
Bahagya akong natawa sa naging reply niya. Naiimagine ko kase yung mismong mukha niya habang sinasabi yun.
V: Dream of me.
Q: I hate nightmares.
Wow. Grabe siya. Agad akong nag-type ng reply sa kaniya. Hindi ko napansing kagat-kagat ko na pala ang ibabang labi ko.
V: I sometimes dream of you. I wish what we did was real.
Imbes na message ang matanggap ay tumawag ito saken na agad ko namang sinagot.
"Hoy! Ano yang paniginip mo ha??" nailayo ko sa tenga ko yung phone ko sa lakas ng boses niya.
" Secret, bakit ko sasabihin?" pabitin ko dito.
Actually, yung unang beses ko siyang napanaginipan, magkatitigan lang kami nun habang nakahiga sa damo. Kung hindi ako nagkakamali, yun yung gabi na magkatabi kaming natulog.
"Kase part ako ng panaginip mo? Ano yun? A-anong sinasabi mong ginawa natin ha?" napakagat ako sa labi ko. Ginawa kong unan ang isang braso ko saka tumingin sa may kisame.
" Maliit na bagay lang yun. Kaso...ang sweet natin dun. Hanggang ngayon nga di ko talaga makalimutan eh."
Siguro asar na asar na ang mukha niya ngayon...baka nga namumula pa yun eh.
"Hoy Van!...i-ikaw..." hindi nito maituloy ang sinasabi. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.
" A-ano ba kase yun? Sabihin mo na kaya?!" naiinis na talaga siya.
"Kapag sinabi ko, dapat gagawin natin. Ano? Deal?" kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili sa pagtawa.
" Bwiset ka Van! Bangungutin ka sana!" Sigaw pa nito sabay putol ng tawag.
"Magtititigan lang naman kami ah? Kung ano-ano kase agad ang iniisip eh." kausap ko cellphone ko.
Muli kong binuksan yung message ni Quine, saka hinanap yung litrato niya. Sinave ko iyon sa phone ko saka ginawang wallpaper. ang ganda niya kase dun. Hindi ko mapigilang hindi siya titigan. At least ngayon, may titignan na ako tuwing umaga na tiyak na magpapaganda ng mood ko.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...