VAN's
SCHOOL.
Pagdating sa sa school ay hindi na ako ginambala ni Liel. Nakahinga ako ng maluwag. Kasama kong naka-upo sina Quine sa bench sa ilalim ng puno.
Nagdedesign na sila ngayon kaya siguro hindi na nila ako kailangan. Hindi ko din alam kung bakit ayaw nilang tatlo mag-volunteer na tumulong sa pagde-design.
Alam kong artistic si Quine dahil nakikita ko palagi ang mga paintings na gawa niya sa bahay niya, paniguradong maraming tumatakbong ideya sa isip niya.
" Ayaw niyo bang mag-presintang tumulong sa booth natin?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Sabay-sabay silang napalingon saken, lahat nakakunot ang noo.
"Masyadong marami nang kamay. Alangan sapawan namin si bruhang Liel at makitayo-tayo at turo-turo pa kami?" agad na sagot saken ni Alec.
" Tama si bakla. Staka hindi pa ba halata? Ayaw nila samen, masyado daw kaming magaganda." Ani Kary, sabay-sabay kaming nagtawanang apat.
"Ang aga-aga nanaginip tayo, gusto ko yan." banat pa ni Alec.
" Ikaw, ayaw mong tumulong?" baling ko kay Quine.
"Tinatamad ako. Kaya na nila yun."
"What if i-share mo ang naiisip mo sa kanila? Dinig ko magaling sa mga conceptualization ang mga artist." Pamimilit ko pa sa kaniya.
Sayang din kase ang mga ideyang nasa isip lang." Bakit pa? Kung i-share ko man sa kanila balewala lang ang effort ko lalo na kung na-finalize na nila ang design. Staka, mukha namang competitive si Liel. Ang mga ganung tao mahirap kumbinsihin." Sabagay.
Nanahimik na lang ako saka isinandal na lang ang ulo sa balikat ni Quins. Tama siya, datingan palang ni Liel parang tatakbo for honors na.
Dumating ang thursday. Huling araw para sa pag-aayos ng mga booths. Lahat abala at naghahabol na ng oras. Maraming booths ang nasira ang gawa dahil sa mga unexpected na ulan. Samantalang yung samen naman ay okay na okay parin.
Friday.
Kung dati gustong-gusto ko ang fridays. Ngayon naiinis ako at dumating pa ang araw na 'to.
"Ilang mundo ba ang buhat-buhat mo?" napalingon ako sa direksyon ni Quine. Inaantay na lang namin ngayon ang pagdating ng mga shareholders ng school para sa ribbon cutting.
Ang dami pa nilang pakulong naiisip.
" Bakit?" takang tanong ko kay Quine.
"Yang mukha mo kase, parang buong solar system ang dala." biro pa nito saken. Pilit akong ngumiti.
" May iniisip lang."
Pagkatapos kong sabihin yun ay hindi na siya ulit nag-tanong pa.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang paglingkis ng mga daliri nito sa kamay ko at marahan iyong pinisil pagkatapos. Saka ito muling lumingon at nginitian ako, yung ngiting parang nagsasabi na andito-lang-ako. Nginitian ko din siya pabalik sabay halik sa noo niya.
Dumating na ang oras. Lahat ng mga estudyante ay nakatayo sa may grassland. Samantalang ang mga staffs ay nasa may pathwalk, kasama si Dean at ang ilang mga taong naka-suit at dress.
Matapos ang sinagawang ribbon cutting ay nagpaputok ng mga fireworks. Kita ko sa mukha ni Quine ang pagkamangha sa mga yun.
"Pinaghandaan talaga nila." sabi pa nito.
Maya-maya pa ay hinila niya ako papunta sa tumpok ng mga tao, yung mga kasama sa ribbon cutting...pati si Frier.
Akala ko ay kay Frier kami papunta, pero sa dalawang hindi ko pa nakikitang tao dati kami nagtungo. Parehas silang may-edad na, kasing edad ni papa at mukhang may mga lahi pa.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...