QUINE's
I WAS about to visit that man na nabunggo ko. Pero matapos dahan-dahang buksan ang pintuan ng kwarto nito ay bigla akong nahinto nang makadinig ng boses ng babae at lalake, nagtataasan ang mga boses nila at mukhang hindi maganda kung sisingit ako.
Sumilip ako saglit, nakahinga ako nang makitang gising na at nasa maayos na kalagayan yung lalake. May benda ito sa ulo at sa isang braso niya, bukod dun... Teka,
" May itsura siya," bulong ko sa sarili ko matapos makita ang mukha nung lalake. Hindi ko masyadong natignan ang mukha niya dahil sa kaba at panic na nararadaman ko kanina.
Bago pa nila ako mapansin ay dahan-dahan ko nang isinara yung pintuan saka inantay si Tim sa labas ng hospital.
Habang hinihintay ko si Tim ay tinawagan ko muna si Dale. Siya ang tumatayong guardian ko ngayon. Well, hindi ko talaga siya kadugo, pero matapos mamatay ng papa niya na siyang kanang-kamay noon ni lolo ay inampon si Dale ng lolo ko. Wala na din kase siyang mama dahil namatay ito nang ipanganak siya. Kaya naman legally, kapatid siya ng papa ko. Pero dahil sampung taon lang naman ang tanda niya saken, kuya ang turing ko sa kaniya. He's also the one managing all of the businesses left by my lolo and my parents for now and maybe, until I became stable again.
Dale immediately answered my call on the first ring. I told him what happened. Thank goodness he didn't shout at me. But I heard him sigh deeply. I know I made him worry about me again.
I also asked for his help to fix that car of that guy. It's vintage, for sure mahalaga yun para sa kaniya. Mabuti na lang at may motor vehicle company kami kaya hindi ako mahihirapang ipagkatiwala na lang yung kotse sa mismong kumpanya namin.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating din si Tim.
"What the heck happened to you?" bungad nitong saken.
" He's fine now, don't worry. " tukoy ko dun sa lalaking nabunggo ko. Walang ano-ano'y dumiretso na ako sa kotse niya.
"Tara na." aya ko kay Tim nang nakanganga ito habang nakatingin lang saken. I'm chillin' now since I didn't killed him. At least.
Wala nang masyadong kotse ang nasa kalsada, sakto namang naalala ko ang gusto kong ikwento sana sa kaniya kanina.
"Alam mo ba kanina habang nagda-drive ako..." I started. I am looking outside the window, the empty street looks so calm now.
" May nadaanan akong isang church at saktong nagsi-sermon yung pastor. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling pumasok sa simbahan, pero nung narinig ko yung sinabi nung pari... Napadasal ako bigla." I tell him and can't help but laugh at myself. I glance at Tim to see if he's listening, well lagi naman siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. Pero nasa kalsada lang ang mga tingin niya. Masyadong seryoso naman 'to.
"Ano ba yung sinabi nung father?", tanong naman nito saken habang sa kalsada parin ang tingin.
" Sabi niya... Someday someone will come to your life and change it, at nag-pray ako na sana nga. Kaso hindi ko inakala na muntik na akong maging kriminal ngayong araw hahaha," I said laughing again at what happens earlier.
Jeez! I couldn't believe na may nabangga akong tao! I never expected things like this to happen to me, but now, just...wow!
"You're crazy Quine. Tigilan mo nga yan at baka tayo naman ang maaksidente ngayon. " walang halong biro ang tono ng boses niya. Tsk.
" Why are you so afraid of death? We'll all gonna die anyways." that's the truth.
"Yeah,I know. But as long as nagigising ka parin everyday what you should do is still live your life and stop thinking about death cause you're still alive, okay?", mahinahon nitong sagot saken, nangangaral.
I didn't say anything after. Inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa mga gamit nung lalaking nabangga ko. Mga gamit niyang naiwan sa kotse niya, binilinan ko yung mamang police na ako na ang magbibigay sa lalake nung mga importanteng gamit niya bago kunin ng tow truck yung kotse niya. Nung una ay hindi sila pumayag pero matapos kong ibigay yung business card ko sa kanila ay pumayag din sila.
" Ano yan?", dinig kong tanong saken ni Tim.
"Some valuables of that guy,", inusisa ko yung driver's license nito, bago palang iyon. Van Vincent Eleasar ang nakasulat na pangalan nito.
Hmmm... Ang panget niya sa ID niya. Bahagya akong napangiti sa naisip kong yun.
Van Vincent? Parang binaliktad lang na pangalan ni Gogh, one of my favorite artist.
Enjoy reading? If you've got some time please vote for this story!
Also, if you want follow me on Twitter @MaybeTheArtist
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Fiksi RemajaVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
