II

593 28 12
                                    

FRIDAY.

Pinaghahandaan na ng buong university ang gaganaping University festival. Bawat section, organization, courses, and offices ay kailangang maghanda ng kani-kanilang mga booth.

Hindi lang kaming mga studyante ng school ang pwedeng pumunta sa araw na yun, dadayo din ang mga kalapit pa naming university.

Mauuna ang university namin na magdidiwang ng festival, susunod naman yung mga kalapit pang campuses, bale 4 lahat, at syempre pwede din kaming dumayo sa iba mga kalapit naming campuses sa festival day nila. Buong linggong ganon ang magiging takbo ng mga araw.

Alam kong excited ang lahat sa mga mangyayari. May isang linggo pa kami bago mag-umpisa ang festival week, kaya naman lahat ay abala sa paggawa ng kani-kanilang Booth. Sa bawat booth ay may nakatalaga daw dapat na muse and escort, sa kasamaang palad, pinili nila kami ni Van. Ewan ko ba kung nantitrip sila o talagang wala lang silang ibang magawa.

Nakakapagod din ang gagawin namin, kami kase ang nakatoka sa pagdi- distribute ng mga leaflets ng aming booth. Kahit pa sinabi nilang may itsura kami ni Van kaya bagay kami maging muse at escort, hindi parin ako naniniwala.

Mula kase nang kumalat yung rumor about samen ni Van, hindi na naging maayos ang takbo ng mga bagay-bagay.

Pero ayos lang, masyado akong tamad para pansinin at pagka-abalahan pa ang trip nila.

"Kailangan ko pang tulungan sina Liel sa pag-aayos ng booth natin, tumakas na kase yung ibang lalake nating classmates." paliwanag saken ni Van habang bumaba kami ng hagdan.

" Sige lang, antayin kita." actually, kailangan ko talaga siyang antayin dahil wala akong dalang kotse ngayon... For short, wala akong choice.

"Wala ka namang choice eh." umirap ako sa kaniya.
Kakasabi ko nga lang nun sa utak ko eh.

Huminto ito sa paglalakad saka pinisil ang magkabilang pisngi ko.

" Wag ka nang mag-tampo. Bukas, labas tayo?" mahina kong pinalo ang kamay niya para tanggalin iyon sa mukha ko.

"Hindi naman ako nagtatampo, masyado akong tamad para magtampo pa." pero sa totoo lang, gusto ko na talagang umuwi at magpahinga na. Alam kong alam yun ni Van, nababasa ko sa mukha niya ang salitang 'sorry' dun.

" What if tumulong ka na lang samen?" Suhestiyon pa nito.

Nagpatuloy na kami sa pagbaba ng hagdan, pupunta kami ngayon sa pathway, yung daanan papasok ng university. Hindi ako masyadong nakakadaan dun, iba kase ang pasukan ng mga kotse sa mismong entrance ng school, eh lagi naman kaming naka-kotse ni Van pagpapasok.

What if try kong pumasok dun one time? Isip-isip ko.

"Ilang booth ba ang gagawin nila para kailanganin nila ang kamay ko?" The more na marami ang gumagawa, mas matagal matatapos ang isang bagay. Yun ang isa sa paniniwala ng lolo ko...na naging paniniwala ko na din.

Mas mabilis matatapos ang isang bagay kung may determinasyon at deadline ka, at kahit mag-isa ka? Hidi iyon magiging hadlang.

" Malay mo kailangan pala nila ng tulong mo talaga. Artistic ka naman, why not tumulong ka sa pagdedesign." suhestiyon pa ni Van.

"Kapag hiningi na lang nila ang tulong ko. Eh di tutulong ako." Buntong-hininga ko.

Nang marating na namin ang pathway kung saan nakatayo ang mga booth sa magkabilang gilid, ay nakakita kami ng mga estudyanteng abala pa din sa pag-aayos kahit na may isang linggo pa kami.
Nang marating namin ang booth namin ay may nakatayo na doong tent at inuumpisahan na nilang lagyan ng design. Halos pitong metro din ang haba nun,

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now