QUINE's
"BAKIT hindi niyo ako ginising?" Nakanguso kong tanong sa maid na naglalapag ng pagkain sa mesa ko.
" Sorry ma'am, mahimbing po kase ang tulog niyo eh."
"Ah, sige... salamat." I said dismissing her.
Gabi na ako nagising. And now I'm gonna eat my breakfast.
Sa sobrang haba ng naging tulog ko pero parang inaantok parin ako. Ganito ako kapag nasosobrahan ng tulog.
Matapos kong kumain ay balak ko na sanang maligo, kaso wala naman akong makitang pants and shirt sa closet ko. Puro dress ang andun. Kaya naman nag-decide na lang akong sa apartment ko na lang maliligo.
" Ford, okay lang bang ipag-drive mo ako ngayon?" tanong ko kay Ford.
Tinatamad kase ako biglang mag-drive ngayon.
"Sige po Ms. Quine." Aniya sabay yuko saken.
"Staka pwede pa-carwash na din nung kotse ko? Palagi ko nakakalimutan eh."
Pero ang totoo ay hindi ko alam kung saan may carwash...staka hindi ako marunong.
" Walang problema Ms. Quine."
Sa biyahe ko naalalang buksan ang phone ko para i-check kung naalala na ba ni Van na tawagan ako.
Agad namang tumambad saken ang sobrang daming missed calls niya. Bawat minuto ata meron siyang missed calls saken, may mga messages din.
V: Where are you?
V: Galit ka parin ba? Sorry na, please?
V: Answer your phone please?
V: You're making me worried, where are you?
V: Quine? Answer your phone, please? I'm sorry.
At walang katapusan pang messages na puro 'I'm sorry' and 'where are you' ang nakalagay Ramdam ko sa mga messages niya ang pag-aalala niya.
Nasa apartment ko parin kaya siya ngayon? Tanong ko sa isip ko.
"Ford, pwede pakibilisan pa?"
"Sagad na po tayo sa speed limit Ms. Quine." Sabi naman nito saken.
Aish! Ano ba yan.
Hindi ko na inantay pang maipasok ni Ford sa parking lot ang kotse. Nagpasalamat ako sa pagdadrive niya at dali-dali nang bumaba sa kotse.
Ang kaso nga lang, dahil sa sugat sa paa ko, ika-ika akong tumakbo papunta sa apartment ko.
Pagkapasok ko sa apartment ay bukas na ang mga ilaw sa loob nun.
Pagkabukas ng pinto ay agad kong nakita si Van sa may sala. Nang makita niya ako ay agad-agad din itong lumapit saken. Nakangiti ko itong sinalubong, kaso...
" Where the f*ck have you been?!" Bungad nito saken.
Biglang nawala ang lahat ng positive vibe sa katawan ko sa bungad na tanong niyang yun.
Seriously? Mura talaga ang isasalubong niya saken?
I thought of 'I'm sorry', 'I miss you', 'forgive me'...pero 'where the f*ck' talaga?
Hindi ko napigilan ang agad na pag-akyat ng inis sa katawan ko.
"I just visit our f*cking house." Sarkastiko kong tugon sa kaniya saka siya dali-daling nilagpasan. Wala akong pake sa sugat sa paa ko.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Roman pour AdolescentsVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
