Synopsis

5.4K 133 4
                                    


Natigilan ako ng bigla nya akong hawakan sa kanang kamay at may pwersang hinarap sa kanya.

"Rigel tumigil kana!" Singhal nya sakin.Kita ko sa mga mata nya yung sakit na may halong pakiusap.Pero wala akong pakilalam "Wala na sya,hindi ka nya mahal nagsasayang ka lang ng oras sa walang kwentang taong yun.Sinasaktan ka lang nya"

Natigilan ako.

"Wow..." Walang emosyon kong sagot tapos bahagyan akong natawa "Sinasaktan?" Tanong ko sa kanya "coming from you Ardy na walang ibang ginawa kundi saktan ako! Matuwa ka nga dapat ngayon e.Because look at me.Im so misserable.
Nagmamahal ako ng taong hindi naman ako mahal"

"Ikakasal na sya" saad nito "Tulad ng inaasahan na mangyari ng pamilya ko.Ikakasal na sila...kaya wala ka ng aasahan"

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko habang napatingin sa malayo.Ang sakit lang,because the person you love.Yung taong nagparamdam sayo ng protection at contentment.
Yung taong nangako sayo na makakasama mo hanggang dulo.Wala na...sa iba nya na tutupadin ang lahat ng yun.

Dumating nga kami sa dulo.Bumalik naman sya sa simula,ako? naiwan...
umaasa na babalik sya at sasamahan ako sa dulo ng hangganang iyun.Kaya ito ako ngayon,umiiyak,umaasa sa wala.

Hinihintay na baka...baka lang balikan nya ako.

"Ako nalang Rigel..." Sambit ni Ardy nang nanatili akong tahimik.Tinignan ko sya sa mga mata.Ganun parin,
nasasaktan,umaasa.Nakikiusap "Andito ako Rigel.Im so so sorry for everything sa lahat ng ginawa ko sayo" bahagya syang lumapit saakin at masuyong hinawakan ang dalawa kong kamay "Hindi na ako natatakot...
ipaglalaban na kita kay Ate.Your not deserve all of this.Kailangan mo ako,
gamitin moko para malimutan mo yang sakit.Pangako lalaban ako para sayo...jus to be the someone in your heart"

Napakagat labi ako sa mga sinabi nya.Hindi rin ako makatingin ng diretsyo sa mga mata nya kahit  ilang pulgada nalang ang layo ng mukha nya sa mukha ko.I beg for my self.Para siguro isave ko pa ang sakit.Unti unti,namalayan ko nalang na tinatanggal ko na ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

Doon,nagtuloy tuloy din ang mga luha nya sa kanyang mga mata.

"Im sorry Ardy..." sabi ko kapagkuwan ay muli akong napahikbi "Hindi ko alam kung bakit mahal ko sya.Hindi ko alam kung bakit pinipiling maging tanga ng utak at puso ko kahit itanggi ko na sya sa sarili ko.Im so sorry din Ardy" hindi ko alam kung bakit hinawakan ko sya sa dalawang pisngi at hinalikan sa noo.Basta pagkatapos nun ay matapang akong tumitig sa mga mata nya.

"But I love Niro..." Sambit ko "And Im always asking my self why I love that man.Hindi ko kayang magmahal ng bago hanggang may sakit pa dito" I sob and then tinuro ko ang dibdib ko "Mag hahanap muna to ng tamang sagot kung bakit ko mahal si Mr.CEO"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon