42

840 53 62
                                    

Pagkatapos akong ipakilala ni Maya sa Daddy niya ay umuwi naman ako ng GenSan para dun magdiwang ng pasko at bagong taon. Unang pasko at bagong taon na kasama ko si Maya.

Pinakilala ko na siya sa pamilya ko nun bilang girlfriend ko. Di na rin nagulat si Inay at Itay sa sinabi ko dahil alam naman daw nila at ramdam nila..

Masaya naman silang lahat para sa amin maliban kay Jester na hindi matanggap ng una ang relasyon namin ni Maya.

Pero ng sinabi ko na wala siyang bagong sapatos sakin kapag di pa siya tumigil sa tantrums nya ay tumahimik din siya. Hahaha

Yung dating excuse ko lang kay Achi na si Maya ang New years eve kiss ko ay tinupad namin.. Medyo nahiya pa ako nun dahil sa harap pa ng pamilya ko. Pero grabe! Kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko. Ganon pala feeling nun? Hehehe

Sobrang bilis ng panahon.. Nag-Celebrate kami ng 1st Anniversary sa Baguio..
Nag-Champion ulit kami at nagpasko kami at bagong taon na magkahiwalay dahil sinabi ko kay Maya na ipagdiwang niya ang mga araw na yun kasama ang pamilya niya.

Ganon pa rin sila ng pamilya niya. Minsan okay, minsan hindi. Siguro dahil pare-parehas silang matataas ang ere at ayaw mag-usap usap.

Nag-Celebrate naman kami ng 2nd Anniversary namin sa Boracay!! Sobrang ganda at sobrang saya. Muntik ko pang isuko ang bataan ko dun dahil sa kapusukan namin ng malasing.
Mabuti na lang nakatulog ako kaya hindi natuloy.

Dahil din sa pinapamalas namin sa IUAAP ay sinali kami ni Maya sa palaro sa ibang bansa para i-representa ang Pilipinas. Nanalo kami ng Gold sa Asia at Bronze sa Olympics. Kahit sobrang tatangkad nila ay kahit papano lumaban kami. Ang galing galing kasi ng Maya ko kaya lalong syang sumikat. Marami ng nakakakilala sa kanya pati mga taga ibang bansa.

Nakasama din namin dun si Ashley. Hindi na ako nagseselos sa kanya kasi mabait naman siya tsaka di naman pala talaga siya crush ni Maya. Siguro paghanga lang pero hindi yung crush na may malisya.

Ngayong taon ang last playing year ni Maya..

"Pagka-graduate mo maiiwan mo ko dito.." nakalabing saad ko sa kanya habang nakasandig ang ulo ko sa binti nya. Naglalaro kami ng Rules of Survival sa cellphone.. Yung barilan!

"Dadalaw dalawin pa din kita.. I have a car naman." sagot nya

"Anong plano mo, Maya ko pagkagraduate mo?"

"Hmm.. Magpapa-draft ako sa PBA para makapaglaro sa pro-league ng bansa. I still want to pursue my dreams." alanganing sagot niya..

"Sige! Yan na lang din gagawin ko pagka-graduate ko para magkasama pa rin tayo!" masayang sagot ko sa kanya.

Hindi naman sa clingy ako pero parang ganon na nga. Gusto ko laging kasama si Maya. Ganon naman talaga kapag mahal mo yung tao diba? Gusto mong laging nakakasama.

Eh sa mahal na mahal ko ang damuho na ito eh. Di ko na nga maisip ang bukas ko ng wala siya. Lahat ng pangarap ko nakaplano ng kasama siya.

Nagsearch na nga rin ako saang bansa maganda magpakasal sa tulad namin na relasyon eh. Sa New Zealand ang napili ko! Tapos syempre dapat invited pamilya namin at malalapit na kaibigan para masaya pa rin.

Tapos kapag nagka-anak kami tuturuan namin magbasketball. Ang cute cute siguro nun!

"Huy! Binabaril ka na.. Bakit nakangiti ka pa dyan?!" pagtingin ko sa nilalaro ko ay patay na ako..

"Maya ko, revive mo koo!" pagpapacute ko sa kanya..

"Tsk! Bahala ka dyan sa buhay mo. Nagpabaril ka eh"

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon