37

888 49 82
                                    

KAORI JANELLA OINUMA #23

Being with Shana's family is a great experience. Mas nakilala ko ang pagkatao at pamumuhay niya. Pakiramdam ko nga kilalang kilala ko na siya. Alam ko na rin ang mga ayaw at gusto nya talaga.

May pagkaselosa at nag-seself pity din pala siya.

Nalaman ko rin na ang lambot lambot pala talaga ng labi niya! Pero maliban dun natuwa din talaga ako dahil marami kaming pinagsamahan ni Shana dun. Away, bati, asaran at lambingan.

Kung pwede lang sana kami mag-extend dun eh! Kaso kailangan na namin harapin ang responsibilidad namin dito sa Manila.

Ngayon nga'y pabalik na kami sa flat. May 2 days kami para magpahinga at sasabak na ng Summer Camp kasama ng bagong recruit ni Coach na dalawa.

Hindi nga ako nakapanuod ng try out dahil nasa GenSan nga ako. Ang bilis ng panahon! Parang last year lang si Shana ang pinapanuod ko mag-try out.

Nagpapansin pa lang ako sa kanya nun, ngayon girlfriend ko na siya! Hahaha

"Anong nginingiti mo dyan? Parang may masama kang pinaplano ah!"

"Ofcourse! Tayong dalawa na lang sa kwarto.. Haha" biro ko sa kanya

"Uy! Tigilan mo talaga ako Oinuma! Ayuko nyang iniisip mo" ang cute niya talaga biruin ng kahalayan kasi naiilang sya at halatang wala pang alam sa mga ganong bagay.

Well, in my part di naman ako ganon ka-innocent. Hello? Laking Manila ako. Under age pa lang nakakapasok na ako ng bar at nakakakita ng mga nagmamake out sa harap ko. So open minded naman ako sa mga ganong bagay.

"Sus. Aminin mo na! Gusto mo din. Hahaha" tudyo ko pa rin.

"Hindi nuh! Bata pa ako!" sagot nya at humalukipkip

Wala din naman sa isip ko ang mga malalaswang bagay. Ang sarap niya lang talaga asarin. Natutuwa ako kapag namumula na siya sa pang aasar ko.

"Okay." malanding bulong ko sa tenga nya na sinadya kong dumampi ang labi ko.

Nakita kong tumayo ang mga balahibo nya then mabilis nya akong hinampas.

"Magtigil ka nga! Baka makita tayo ng driver!" pasigaw ngunit mahina pa ring saad niya.

Nasa taxi kasi kami ngayon. Pauwi ngang Flat. Tinawanan ko na lang siya at tumahimik.

Pagdating namin sa flat ay sinalubong na agad kami ng mga ka-teammates namin. Kumpleto na sila ngayon kasama ang bagong rookie.

"Siya ang Captain Ball natin. Si Kaori. Yang kasama nya naman si Jelay, siya ang Center natin" pakilala ni ate Alyssa sa amin sa rookie.

"Si Jelay din ang babe ni Capt pero bawal aminin!" singit ni Bea kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala namang aaminin." pagtanggi ni Shana.

"Ay.. Hello Capt! I'm Deanna Galanza."

"Position?" seryosong tanong ko dito

"Shooting guard or small forward." hmm..

"Ako naman po si Maddie Gaston. Center or Forward" pwede. Sana magaling. Muka naman siyang physicaly fit.

"Hi! Nice to meet you! Sana mag-enjoy kayo!!" masiglang bati ni Shana

"We'll rest now." pahayag ko at nauna ng umakyat sa taas..

"Akyat na muna kami ha? Enjoy!" paalam pa ni Shana bago sumunod sa akin.

Nagtanggal lang ako ng sapatos at nahiga sa kama. Grabe! Namiss ko rin ang malambit na higaan ah..

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon