KAORI JANELLA OINUMA #23
Isn't unfair?
Ginugulo ni Shana buong sistema ko ng hindi niya namamalayan.
Ramdam na ramdam kong gusto niya akong nakakasama pero kapag kasama niya naman ako si Achi ang binabanggit niya.
Pinapamuka niya pa sakin na hindi niya ako magugustohan.
Why? Dahil ba hindi ako mabulaklak magsalita?Haay.
But that's the right thing, right? We're teammates. Kung magkakagusto siya sakin masasaktan ko lang siya. I can't break the rules dahil ako ang team captain. Kung ako mismo ang susuway, no one will follow the rules.
"May nagugustohan ka? Sino?" gulat na reaksyon niya.
"Joke lang! Wala." bawi ko sa sinabi ko kanina.
"Grabe ka naman magjoke! Nasaktan ako dun ah.." she's so cute while scratching the back of her pen in her head.
"Bakit ka naman masasaktan?"
"Kasi di ka gusto ng gusto mo.. Masakit yun ah! Kung totoo yun sabihin mo lang sakin! Aabangan ko yun.. Aba! Naliliitan ata siya sakin!" maangas na saad nya
Napahinto na ako sa pag-aaral at nilapag ang ballpen ko.
"Bakit mo aabangan?" tanong ko na pinipigilan tumawa
"Kasi hindi ka nya dapat sinasaktan. Kahit na ganyan ka! Ayukong nasasaktan ka" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
Ikaw nga laging nananakit sa akin tuwing sinasabi mong gusto mo si Achi.
"Daldal mo Shana!" yun na lang sinabi ko at napalabi siya.
Napasulyap naman ako dun pero mabilis ko ring iniwas ang tingin ko at bumalik na sa pag-aaral.----
Game day namin ngayon. All or nothing na kami dapat sa laban.
"Maya kinakabahan ako.." bulong sakin ni Shana..
"Wag kang kabahan.. Focus lang tayo." nag-stretching muna ako at ginaya nya naman ako. Pumwesto pa siya sa harap ko kaya binaling ko tingin ko sa ibang direksyon.
Pagtingin ko sa ibang direksyon nakita ko si Achi may dalawang bulaklak.
Pota! Bakit may bulaklak? May patay ba? Tsk"Jelay!" tawag nya dito na agad naman siyang nilingon.
"Achi!!" masayang tawag ni Shana dito at tumakbo papunta dun.
Odiba? She left me because Achi was there.
Nakita kong inabot sa kanya ni Achi yung bulaklak at niyakap siya.. Sakit sa mata! Ampota
Di ko makita sa pwesto ko ang itsura ni Shana pero sure ako kilig na kilig yan. Syempre! Gusto nya si Achi tapos binigyan siya ng bulaklak.
Nakikita ko pa yung ibang nanunuod na pinipicturan at vinivideohan sila na parang kilig na kilig..
Nababasa ko sa twitter yang JelChi eh. Pinagsamang pangalan ni Jelay at Achi. Corny diba?!Sumagot kayo!! Corny diba?!
Hays. Napaupo na lang ako sa bench tapos may mga lumapit sakin nagpapapicture at nagpapa-autograph.
Unti unti na rin talaga umiingay ang pangalan ko. Medyo nagviral kasi ako sa facebook nung nakaraan.
Magandang magaling magbasketball daw.. Sus! Small things.. Hehehe
Narinig kong tinatawag kami ni Coach kaya nagsilapit na kami sa kanya.
Si Shana agad tumabi sakin. Di nya dala yung bulaklak. Mabuti naman."Kamusta pag-uusap nyo ng crush mo?" bulong ko sa kanya habang nag-huhuddle kami
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...