51

950 60 10
                                    

JILLIAN SHANE PILONES #11

Hindi ko mayakap si Kaori habang patuloy siya sa pag-iyak niya.. Natatakot ako na baka masaktan siya. Ang daming benda ng katawan niya. Mula ulo hanggang paa kaya tumawag na lang kami ng Doctor para kumalma siya.

Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman nya ngayon. Buong buhay niya binuhos niya sa paglalaro ng basketball at sobrang sakit kung mawawala sa kanya iyon.

Habang natutulog siya ay hinihimas ko ng marahan ang pisngi niya..
Maganda pa rin siya kahit may mga galos ang muka niya..

"Jelay?" napalingon ako sa babaeng tumawag sakin.

"Ate Kiara.." tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
Marahan ko lang siyang tinapik sa braso dahil naiilang akong yakapin siya sa laki ng tiyan niya. Baka maipit kasi ang baby.

"I'm glad you were here. Kaori really needs you.." umiiyak na saad nito.

"Hindi ko po siya iiwan, ate.." umagwat siya sakin at pinakatitigan ako.

"Sabi ng Doctor nalamog daw ang kanyang mga paa at nabali. It will takes time to heal her injury at baka hindi na ito mabalik pa sa dating kondisyon niya.." napatingin ako sa mga paa ni Kaori na parehas balot ng semento.

"You're with your boyfriend pala..." saad ni Ate Kiara

"Hindi ko po siya boyfriend, Ate." mabilis na kontra ko

"Hmm.. Nakita na ba siya ni Kaori? What's her reaction?" seryosong saad nito. Hindi naman ako nakasagot dahil ng makita kanina ni Kaori si Achi ay nagwala ito.

"Let's talk outside, Jelay" aya sakin ni Achi kaya tinanguan ko siya.

"Sa labas po muna kami, ate." paalam ko kay ate Kiara.

Sinundan ko lang kung saan patungo si Achi. Muka kasi siyang may sasabihing mahalagang bagay.

Napadpad kami sa isang magandang garden dito sa Ospital. May fountain pa sa gitna at bleacher sa gilid nun.
Dun naupo si Achi na tinabihan ko..

Tahimik lang kaming dalawa hanggang basagin niya ang katahimikan.

"Do you love me?" mahinang tanong nya na sapat lang para marinig ko..

"Oo.." sagot ko ng hindi natingin sa kanya "Mahal kita."

"In what way?" nilingon ko sa tanong niya

"H-hindi ko rin alam pero alam kong mahalaga ka sakin"

"Hmm.. Do you still love her?" napaiwas ako ng tingin sa kanya.. Napadako na lamang ang tingin ko sa mga halamang nasa harap namin

"Siya ang unang taong minahal ko at inalayan ko ng buong ako.. Hindi na siya mawawala sa puso ko." matapat kong sagot sa kanya...

"She needs you, Jelay" mahinang saad nito "But i need you too"

Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Gusto kong maging makasarili. Gusto ko akin ka lang.. I've waited you to be mine for  7 years." marahan kong pinunasan ang luha sa mata niya..

"Pero hindi naman ako masamang tao para pahirapan tayong tatlo. I know that no matter what i do, she's the one you will always choose at the final end. Hindi man bigkasin ng labi mo, yun ang sinisigaw ng mata mo, Jelay."

"S-Sorry.." wala akong maisip na ibang pwedeng sabihin kundi sorry..

"Ano bang meron siyang higit sa akin?"

"Achi, sorry.. Sinubukan ko naman eh. Sinubukan kitang mahalin. Pinilit ko! Pinagbigyan kita makapasok sa buhay ko.. Pero hindi ko rin maintindihan bakit yung puso ko siya lang ang kayang mahalin. I'm so sorry.. P-patawarin mo ko.." buong pusong paghingi ko ng tawad

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon