16

899 59 186
                                    

Una sa lahat at hindi huli, ang ganda ko.

What the fuck? Napamura ako sa una kong nabasa sa letter.

De joke, seryoso na.
Marami akong gustong sabihin sayo na hindi ko masabi sa personal kasi alam kong pagtatawanan mo ko tsaka baka di ka naman interesado.

Gusto ko malaman mo na ikaw ang pinaka MAYAbang na taong nakilala ko. Hihihi

What? Napapakunot noo ko sa binabasa ko. Tinignin ko si Shana na nakatulakbong pa rin ng kumot.

Wala kang ibang ginawa kundi magpa-epal sa akin nung try-out! Lagi mo pa ako sinisigawan. Wala kang ibang nakikita kundi mga mali ko. Isa kang malaking badtrip!

Rant ba nakasulat sa letter na ito?!

Pero sa tuwing kailangan ko ng tulong lagi kang nandiyan para sa akin. Di ka nagdadalawang isip na tulongan ako.

Hindi ko alam paano makakabawi sayo sa lahat ng binigay at tulong mo sa akin hindi lang sa basketball. Hindi ko alam kung ano pwede kong ibigay sayo kasi parang nasayo naman na ang lahat.

Gusto ko rin sana maging tagapagligtas mo tulad ng lagi mong ginagawa sa akin. Gusto ko rin mapasaya ka. Paano ko ba magagawa yun? May magagawa ba ako para sayo?

Gusto ko rin malaman mo na marami mang hindi nakaka-intindi ng ugali mo kahit naman ako minsan e hindi pa rin ako nasasanay sa talas ng dila mo pero kahit ganon nandito lang ako para sayo Captain!

Sana maging masaya ka ngayong kaarawan mo at sa mga susunod pang araw. Kapag masaya ka sumasaya ako at kapag nalulungkot ka, nalulungkot din ako.

Sasamahan kita palagi kahit ayaw mo.
Hindi kita pababayaan. Simula ngayon di mo na kailangan mag-isa.

Happy 19th Birthday!

~ Your Friend

I'm speechless after reading her letter. I looked at her and she's soundly sleeping now.

Tumayo ako at naupo sa hangin sa tapat ng kama niya.. Maingat kong tinanggal ang kumot na nakatulakbong sa muka niya..
Napangiti ako habang pinag mamasdan ang walang muwang niyang muka..

I never felt appreciated.
Ngayon ko lang naramdaman na may taong naka-appreciate sa akin.
Ngayon ko lang naramdaman na may gustong sumama sa akin kahit na mahirap akong intindihan.

No one appreciated me the way Shana does.

I lean closer to her and softly kiss her forehead.

"Thank you.." bulong ko sa kanya.

----

Kinabukasan habang naghihintay kay Shana sa labas ng flat namin para sa morning jog ay nagcheck muna ako sa cellphone.

Ang daming messages pero nataranta ako ng makita ang text ni Ate.
Nagmamadali akong binuksan iyon.

Happy Birthday.

It was a plain greeting but i almost cry. Napatingala ako sa madilim na langit habang pinipigilan ang luha ko.
She remembered my birthday.

Nagmamadali akong nagreply sa kanya..

"Thank you Ate.. I miss you" nakangiti lang ako habang sinisend sa kanya yun..
Hindi ko namamalayan na nasa tabi ko na pala si Shana..

"Maya?" nagtatakang tanong nya sakin.

Nilingon ko siya at nginitian habang pinipigil ko pa rin ang luha ko sa pagpatak.

"Tara na!" inaya ko na siya at nagsimula na kaming mag-jogging. Sinasabayan niya lang ako..

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon