KAORI JANELLA OINUMA #23
Nagising ako ng maramdaman kong may humihimas ng muka ko.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at sinalubong ang mga mata ni Shana..
"Maayong buntag.." masayang saad niya na parang di man lang umiyak kagabi dahil sa pang-loloko ng ex nya!
"It's good morning right?" tumango naman siya "Good morning birthday girl"
"Hindi ba tayo mag-jojogging?"
"Hmm.. Gusto ko pang matulog." sagot ko sa kanya.
The truth is ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos and besides ang ganda ng pwesto namin ngayon kaya nakakatamad bumangon.
"Sige. Tulog muna tayo ulit" saad nya at muli na namang sumiksik sakin.. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Parang bata talaga siya.
Ako ang unang nagising ulit sa amin.
Iniwan ko muna siya sa kama at tinawagan si Karina.
Pagkatapos ko matawagan si Karina ay bumaba na ako ng kusina para magluto.Naghanap ako ng pwedeng lutuin. Nakita ko ang Christmas package na binigay sa amin. Saktong sakto ito pang-spaghetti. Sigurado ako magugustohan ni Shana ang spaghetti.
Madali lang naman lutuin eh. While pinapakuloan ko ang pasta. I'm making the sauce na rin para mabilis..
"Uy, Capt! Andito ka pala. Ano niluluto mo? Ngayon na lang ulit kita nagkitang magluto ah" di ko siya sinagot kaya sumilip na lang si Bea sa niluluto ko
"Spaghetti! Gusto ko yan Capt! Kuha na ako ng mga plato." masayang saad nito
"Who says para sa ating lahat ito? Para sa amin lang ni Shana ito. Kung gusto mo kumain ng spaghetti, magluto ka ng sarili mo"
"Capt, ang dami dami niyan. Di nyo mauubos yan. Tsaka bakit si Jelay lang? Favoritism tayo dito ah!" reklamo niya pa
"It's her birthday." tipid na sagot ko para di rin siya mag-isip ng kung ano.
"Woah! Talaga Capt?! Hala. Gawa tayo ng fruit salad. Teka! Tawagin ko si ate Alyssa!" bago ko pa mapigilan si Bea ay tumakbo na siya sa taas at kinatok ang pinto ni ate Alyssa.
Epal naman! Dapat ako lang magluluto para kay Shana eh!
Ang ending? Gumagawa si ate Alyssa at Bea ng fruit salad, si Ate Den at Jho naman nag-priprito ng manok.
Bahala sila dyan!Umakyat na ako sa taas bitbit ang pinggan na may spaghetti at lemon juice with honey.
Pagbukas ko ng pinto ay nakaupo si Shana sa kama at nakatulala.Malungkot pa rin ba siya sa pang-loloko ng ex nya? Hays.
"Shana.." mahinang tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang lumingon sa akin at parang lumiwanag ang muka niya."Akala ko nanaginip lang akong kasama kita kagabi o kaya baka iniwan mo na ako.." malungkot na saad niya.
Lumapit na ako sa kanya then nilapag sa gilid ang tray..
"I told you, i won't leave you again.." tumango tango naman siya
"Ano yan?"
"Breakfast?" inabot ko na sa kanya ang tinidor.
"Ikaw nagluto nito, Maya ko??" ako naman ang tumango tango sa kanya
"Yey! Talaga? Titikman ko na!" masayang saad niya habang hinahalo ang sauce ng spaghetti sa pasta.
Pinagmamasdan ko lang ang magiging reaction niya..
Napapikit pa siya habang nginunguya yung spaghetti."Ang sarap, Maya ko! Ang sarap mo magluto! First time kong makatikim ng luto mo!" sunod sunod na saad niya at magang kumain..
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...