JILLIAN SHANE PILONES #11
First day ng game namin sa IUAAP mamayang hapon. Pagkagising ko palang para na akong natatae sa sobrang kaba..
"Maya.." mahinang tawag ko sa kanya. Nakahiga lang siya sa kama at mukang nakikipagdate na naman sa sarili niya.
Di nya ako pinapansin at focus siya sa paglalaro kaya umupo ako sa gilid ng kama nya.
"Pst!" kalabit ko sa kanya pero kumunot lang noo niya.
Nahiga na lang ako sa tabi nya at pinanuod ang paglalaro niya.."Dun ka nga! Bakit ka ba andito sa kama ko?" pagpapaalis niya sakin. Di naman ako nagpatinag at nanatili lang nanuod sa nilalaro niya.
"Ano bang kailangan mo?" tanong nya ng hindi natingin sa akin.
"Kinakabahan ako.." sabi ko sa kanya.
"Bakit ka kakabahan? Magchecheer ka lang naman sa bangko! Hahaha" tumatawang saad niya..
"Ang yabang mo talaga! Malay mo naman ipasok ako ni coach!" 5 months naman na akong nagtratraining. Marami na akong alam at tingin ko may maaambag naman ako sa Team kahit papaano.
Hindi siya umimik sa sinabi ko kaya bumangon na ako..
"Si Achi na nga lang kakausapin ko! Bakit ba kasi umasa pa akong makakausap kita ng matino!" reklamo ko at hinanap na ang cellphone ko.
Bago na nga rin pala ang cellphone ko. Binilhan ako ni Maya para daw makasabay ako sa uso dito sa manila na puro social media. Ginawan niya ako ng bagong Facebook, Instagram at pati twitter. Siya una kong friend sa Facebook, siya una kong finollow sa Instagram at twitter. Feeling ko tuloy Bestfriend na kami.
"Bakit ka kakabahan? Tandaan mo lang lahat ng sinabi ko. Kung magkamali ka nandon ako para tulongang maitama yun. Lumingon ka lang sakin.." sinabi nya yun ng hindi natingin sakin.
Mabilis akong lumapit sa kanya at naupo sa kama niya..
"Sabihin mo ko sakin Maya na kaya ko yun.." nakangusong saad ko.
Tumingin naman siya sakin at binaba ang cellphone na hawak niya..
"Ang pangit mo, Shana! Wag kang ngumunguso!" mabilis ko siyang sinabunutan ng mahina sa asar ko.
Komportable na kasi ako sa kanya kahit lagi kaming nagbabangayan.
"Hoy! Bakit mo ko sinabunutan?!" bulyaw niya sakin at napaupo para pumantay kami..
"Sige na kasi! Sabihin mong kaya ko para mabawasan ang kaba ko!"
"Anong tingin mo sa salita ko? May basbas!" pabalang na sagot niya kaya napabusangot..
"I hate you.." mahinang saad ko
"I hate you more.." sagot nya
"I hate you so much more!" bwelta ko.
"I hate you from the moon, Mercury, Venus and back!" hindi patalong sagot niya.
"I hate you from the pluto and back!"
"I hate you fr the entire universe and back!"
Wala na akong maisip kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin.. Humalakhak naman siya na parang tuwang tuwa na nabweset niya ako.
At aaminin ko, nawala nga yung kaba ko sa pakikipagtalo pa lang sa kanya..
Nang huminto na siya tumawa ay tumingin siya sakin at kinurot ang pisngi ko..
"I know you'll do your best. Kakayanin mo yun." saad nya at pinisil na naman ang pisngi ko.
Hindi pa siya nakuntento dun. Binanat niya..
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...