Simula ng gumraduate si Maya sa College ay hindi na sya eligible manatili sa flat kaya nasa kanila siya ngayon. Ako naman nanatili sa flat. Wala pa akong ka-roommate kasi wala pa namang rookie.
Gusto sana ni Maya dun ako sa kanila pero nakakahiya naman. Baka ano isipin ni Daddy, hindi pa naman kami kasal ni Maya. Mag-iipon pa ako tapos kapag may sapat na akong pera dun ko yayain magpakasal si Maya!
Excited akong makita siya dahil ilang araw din kaming hindi nagkita at halos di nagkakausap kasi busy ata siya. May mga inaasikaso daw siya.. Hindi ko na tinanong kung ano. May tiwala naman ako sa kanya.
"MAYA!!!" masayang salubong ko sa kanya pagkababa niya ng sasakyan..
"Namiss kita.." nakangusong saad ko at niyakap siya..
Nagtaka naman ako dahil hindi siya tumugon sa yakap ko. Bahagya akong inagwat sa kanya.
"Let's go?" aya niya sakin.
"Tara!" masayang saad ko pero sumakay siya sa kotse..
Nagtataka man ay sumakay din ako sa kotse.
"Bakit mag-kotse tayo? Diba diyan lang naman tayo sa lomihan? Mag-lakad na lang tayo, Maya ko!"
"Kotse na." tipid na sagot nya
"Hmm.. Ikaw ha! Porket graduate ka na.. Di ka na marunong maglakad?!" tudyo ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Ni hindi niya ako tinignan. Basta niya na lang inistart ang sasakyan.
Baka wala sa mood kaya binalewala ko na lang iyon. Sanay naman ako sa mga pagsusungit niya. Nag-seatbelt na lang ako.
Wala pang sampong minuto ay narating na namin ang lomihan na madalas naming kinakainan.
Masigla ko siyang hinila papunta sa dulong bahagi, sa gilid. Dun na yung pwesto namin eh..
"Hello Jelay!" bati sa kin ni Marie. Yung nag-seserve dito. "Ganon pa rin po ba?" tanong nito
"Opo! Wala naman pong bago! Hahaha" tumatawang sagot ko dito. Kabisado na kasi nito ang ino-order namin ni Maya.
Special Lomi, Medium size at Blue lemonade.
Pag-alis ni Marie ay hinarap ko na si Maya.
"Bakit ganyan itsura mo? Wala ka ba sa mood?" seryoso kasi ang muka nito. Alam kong lagi naman siyang seryoso pero iba kasi ngayon. Di naman siya ganyan kapag kasama ko siya.
"May problema ba, Maya?" mahinang tanong ko.
"Let's eat first.." sa sinabi niya ay kinabahan ako.
Nanahimik lang ako hanggang i-serve sa amin ang lomi. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako sanay.
Nang matapos kami kumain ay parang wala pa ring balak magsalita si Maya kaya muli ko siyang tinanong na sana pala hindi na lang..
"May problema ba?"
"Shana.. I want break up." para akong nabingi sa sinabi niya.
"B-break?"
"I'm sorry.." yun lang ang sinabi niya at iniwan akong mag-isa.
Teka.
Nagbibiro lang siya diba?
Si Maya? Makikipag break sa akin? Siya nga itong laging takot na takot na iwan ko kaya imposible! Hindi niya gagawin sa akin yun kasi mahal niya ako eh..
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...