JILLIAN SHANE PILONES #11
Sinundo ako ni Kyzha sa Orion dahil nagsabi ako sa kanya na nakuha ko na ang allowance namin. Gusto ko siyang ilibre ng french fries..
Grabe. Ngayon lang ako nakahawak ng libo libo.. Agad kong pinadala kila Inay ang kalahati ng nakuha ko. 15 thousand yun.
"Kumusta ka naman?" masayang tanong sakin ni Kyzha habang nakain kami sa Jollibee.
"Nakakapagod, Ke. Pakiramdam ko ang lakas ko na kumain." sumbong ko sa kanya, natawa naman siya.
Masaya kaming nagkwentohan ni Kyzha. Sinabi nya sakin na di siya nakapasa sa Orion pero pasado sya sa Brett. Isa sa kilalang school din. Sayang lang talaga dahil di kami magkakasama sa Orion.
"Kumusta na nga pala kayo nung nakwento mo saking na nambubully sayo?"
"Ahh.. Si Maya?" nag isip ako paano ko ipapaliwanag ang relasyon namin ni Maya. Di naman kami magkaibigan, di naman din siguro kami magka-away..
"Hmm.. Masungit pa rin siya eh. Parang pinaglihi sa sama ng loob pero mabait naman siya minsan. Sa katunayan nga binilhan nya ako ng mga gamit ko. Bagong damit at sapatos pero sabi niya wag ko daw bigyan ng kahulugan yun. Gusto niya lang daw maging confident ako sa laro." paliwanag ko dito..
"Oh? Binilhan ka nya mga gamit? Yayamanin.. Baka naman type ka!"
"Himala yun.. Lagi nga akong sinisigawan nun!"
"Baka ganon lang siya magpapansin.." sunod sunod akong umiling..
"Di yun! Focus yun sa basketball. Bola nga ata aasawahin nun. Tsaka parehas kaming babae!" natahimik naman siya sa sinabi ko..
"Bakit? May mali ba akong nasabi?"
"Hmm.. Naisip ko lang, may chance kaya magka-gusto ka sa babae?"
"Ha? P-parang malabo, Ke. Tsaka wala pa sa isip ko yang gusto gusto kasi pamilya ko muna iniisip ko!"
"Sabagay! Masyado pa naman tayong mga bata para isipin yan.. Hehe"
Naglibot lang kami sa mall ni Kyzha at nagtingin tingin ng mga kung ano ano. Wala naman kaming mabibili kasi parehas kamong nagtitipid. Kumain nga lang kami ng siomai rice ng pagkagabi..
Masaya kasama si Kyzha at namiss ko rin siya kaya naman alas-nuebe na ako ng gabi nakauwi..
Pagdating ko sa Flat ay nasa sala iba kong team mates..
"Hello mga ate!" masayang bati ko sa kanila..
"Halaka!!" salubong sakin ni Ate Kim at nagsenyas pa ng lagot..
"Bakit?" may nagawa ba ako?
"Wala wala! Akyat ka na sa kwarto mo.." nakangiting saad ni Bea.
Nagkibit balikat na lang ako at umakyat sa kwarto..
Naabutan ko si Maya na naglalaro sa cellphone niya.. Nakasandal sa headboard ng kama, nakasuot ng kulay pink na sombrero pabaliktad at yung specialty nya na kunot noo.
Siguro yung Basketball 2K na naman nilalaro niya..
Pinapasok ko na ang bag ko sa aparador nang magsalita siya..
"May balak ka pa palang umuwi?"
Ha? Ako ba sinasabihan nya? O may kausap siya sa phone?
"Ako ba sinasabihan mo?"
"May iba ka pa bang nakikita dito?!" iritang sagot nya pero di tinatanggal ang tingin sa cellphone..
"Ahm.. Wala. Pero bakit mo naman yun nasabi sakin? Syempre, uuwi ako dito. Dito ako nakatira eh.." sagot ko at nilaro ang labi ko.

BINABASA MO ANG
Match Found
FanficJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...