"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Ano sabi?" binigyan ko lang ng tipid na ngiti si Kyzha at binalik ko na ang cellphone sa bulsa ko.
"Okay lang yan.." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil..
Hanggang makauwi kami ay iniisip ko pa rin tinext sa akin ni Coach.
"Je, sayo na lang ito oh.. Dalhin mo sa GenSan" t-shirt iyon na may nakasulat na “I can accept failure, everyone fails at something. But I can’t accept not trying.”
"Bakit?" nagtataka kong tanong
"Anong bakit?"
"Bakit binibigay mo ito sa akin?" paglilinaw ko
Nagkibit balikat muna siya at parang nag-isip..
"Kasi gusto ko ipaalala sayo na hindi ka dapat sumuko agad. Wag mong babaan ang pangarap mo dahil sa tingin mo yun lang ang kaya mo.." tinitigan ko siya at nilipat ang tingin sa t-shirt.
"S-salamat.." saad ko at nilagay ang t-shirt sa bag ko na dadalhin pabalik ng GenSan.
Nakahiga na kami para matulog ng tanongin ko si Kyzha.."Ke, tingin mo ba kaya ko talagang maging magaling mag-basketball?" bigla siyang bumangon paupo at tumingin sakin.
"Hoy!! Sinasabi ko sayo, ako number one fan mo ngayon pa lang!" napailing naman ako sa sinabi niya..
"Wala pa nga. Nagtatanong lang hahaha" natatawang sagot ko sa kanya
"Eh bakit mo natanong?"
Kinuha ko yung cellphone ko. Inopen ko sa text ni Coach Sol at pinabasa sa kanya.
"This is Coach Sol from Orion University. I would like to invite you for the final try out deliberation of Women's Basketball on April 20, 10am" nanlaki ang mata ni Kyzha sa nabasa..
"Oh my ghad!! April 20. May tatlong araw ka pa para mag-praktis!"
"Ke, uuwi na nga ako sa 19 diba?" pagpapaalala ko sa kanya.
"Bakit ka uuwi? May try out ka pa!" napabuntong hininga naman ako. Tinitimbang ko ang mga nangyayari.
"Baka malasin na naman ako kapag nangarap na naman ako. Tsaka tama naman sinabi ni Hambog, wala talaga akong alam sa Basketball kaya imposibleng makuha ako."
"Hambog? Sinong hambog?" takang tanong nya
"Yung captain ball ng women's basketball team ng Orion! Hindi ko na matandaan ang pangalan nya basta parang may pagka-japanese."
"Wag kang maniniwala sa kanya! Ako na nagsasabi, magiging magaling kang magbasketball! Pero wala din akong alam sa basketball hahaha" natawa naman ako sa huling sinabi nya..
Kinuha ko sa kanya ang cellphone at binasa ulit yung text.. Haaay, bahala na.
Kinabukasan madaling araw pa lang ulit ay nagpunta na ako sa palengke..
Wala naman gaanong nangyari ng araw na yun hanggang kinabukasan ay last day ko na nga sa palengke.Nagpaalam ako kay Tita Rosa, medyo nalungkot naman siya pero sabi nya mag-iingat daw ako.
Nalulungkot na rin akong umuwi pero mas nangingibabaw sakin ang kagustohan kong makasama ang pamilya ko.Namimiss ko na sila. Sila ang lakas ko.
Pagkauwi ko ay sinalubong ako ng yakap ni Kyzha.. Para siyang batang nakayakap sakin kasi ang liit niya.. Marahan ko naman siyang tinulak kasi nailang ako. Pakiramdam ko amoy isda pa ako.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...