01

2.5K 67 37
                                    

Hala! Malalate na ako.. Saan na ba yung gym na yun?

"Hi miss! Are you lost?" napalingon ako sa direksyon ng boses ng babae na parang kinakausap ako..

Hala! Ang ganda nya at mukang mamahalin..

"O-opo. H-hinahanap ko po kasi ang gym dito.." nahihiyang sagot ko na kumamot pa sa ulo..

"College ba yan?! Bakit utal? Haha" nilingon ko ang babaeng nasa likoran nya rin. Mas matangkad ito sa kanya at mukang siga. Nakasuot pa siya ng pink na sombrero pabaliktad..

"Don't mind her. Actually, she can help you.. Hey Kao! Diba sa gym din punta mo?" baling nito sa babaeng siga..

"Oo! May try out daw ng mga lampa eh.. Gusto ni Coach nandun ang pinaka-magaling niyang player! Haha" maangas na pahayag nito at ngumisi pa..

Papunta din ako sa Basketball try-out. Hindi naman siguro siya player ng basketball nuh? Kasi kung oo, ibig sabihin kapag nakapasok ako (dapat makapasok ako!) magiging ka-teammate ko ang hambog na ito. Huwag naman sana!

"Great! We can accompany you... Ahm.. What's your name?" malambing na tanong nito..

"Ahm.. Jillian.. Jillian Shane Pilones pero Jelay tawag sakin ng mga kakilala ko.." nahihiyang sagot ko..

"Nice name.. I'm Karina Bautista" inabot nya sakin ang kamay niya.. Siguro para sa shake hands kaya tinanggap ko yun.
Ang lambot ng kamay nya.. Muka talaga syang laki sa yaman.

Bigla tuloy ako nahiya sa kamay ko hindi naman magaspang pero lumaki kasi ako sa probinsya at bata pa lang ako natulong na ako sa gawaing bahay at trabaho nila Inay.

Nakita kong siniko niya yung babaeng hambog..

"Introduce yourself.." narinig kong bulong nya dito.

"Hoy! Diba sabi mo sa gym punta mo? Mag-tra-try out ka ba sa basketball?" napakabastos naman ng bunganga nya. Hindi ba pwedeng maging mabait? Sinabi ko na pangalan ko tapos 'hoy' pa rin.

"Oo. Ang laki ng paaralan na ito. Hindi ko mahanap, malalate na ata ako." sa sinabi ko ay pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa..

Hinimas ng daliri nya ang baba niya na parang nag-iisip..

"Pssh.. Hindi ka makukuha." nakangising saad nya pa "kahit matangkad ka. Mahaba ang wingspan at mga daliri.. Sure ako hindi ka makakapasok! Muka kang lampang probinsyana.. Hahaha"

Grabe siya mang-insulto! Wala naman talaga akong alam sa laro na ito.. Nanunuod lang ako sa barangay namin nito pero hindi ko pa nararanasan maglaro talaga. Kahit mag-dribble ng bola hindi ako marunong.

Pero kailangan kong makapasok sa team dahil magkakaroon ako ng Full Scholarship! Hindi basta basta ang Orion University. Maraming naghahangad makapasok sa school na ito at hindi ako makapaniwala na nabigyan ako ng imbitasyon na mag-try out sa basketball kaya hindi ko pwedeng palampasin ito.

"Kaya nga mag-ta-try-out diba? Susubok!" aba! Kahit probinsyana ako di nya ako pwedeng apihin at tama nga ang kutob ko na manlalaro din siya ng basketball.

"Wag na! Magsasayang ka lang ng oras. Hindi namin kailangan ng matangkad na lambutin.. Umuwi ka na sa pinanggalingan mo hahaha" nang-aasar na turan nito kaya muli siyang siniko ni Karina..

"You're such a bully!" pagalit nya dito "C'mon.. I'll accompany you.." ngumiti ito ng matamis sakin, inirapan ko muna yung hambog na kaibigan nya bago tumango sa kanya..

Kumapit siya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad.

"She's Kaori.." napalingon ako sa kanya sa sinabi niya.. "Yung nasa likod natin. She's Kaori Oinuma.. Captain ball of Women's Basketball Team. She's an extraordinary player. Awarded Best rookie last year and Season MVP award.. Unfortunately, we are just runner up last year. We fell short." tumango na lang ako. Hindi naman ako interesado sa hambog na yun.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon