41

817 52 78
                                    

Si Maya ang naging Finals MVP. Pinag-usapan siya sa buong Pilipinas. Sobrang proud ako para sa kanya at sobrang masaya ako sa sayang nakikita ko sa kanya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya..
Andito kami ngayon sa Bar na laging pinagtatambayan ni Karina kasama ang buong team.

Victory Party dahil sa pagka-Champion. Nakakagulat na pumayag nga si Maya uminom, siya pa nangunguna ngayon. Sobrang energetic nya eh.

Ang daming nagpapapansin sa kanya. May mga lalaking kumukuha din ng number nya at ilang mga kababaihang tingin ko ay mga bisexual na nagpapacute kay Maya.
Wala naman siyang pinagbibigyan sa mga ito. Kadalasan nga ay sinusungitan niya pa.

Pero yung iba mas na-Chachallenge pa ata kapag nasusungitan kasi lalo silang lumalapit kay Maya.

Halatang lasing na talaga si Maya dahil maingay na siya at tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa.
Ako? Di naman mataas tolerance ko sa alak kaya nagko-kontrol ako.

"Mag-banyo lang ako, Maya." tumango lang ito sa akin at tinuloy pakiki-kwentuhan sa mga teammates namin tungkol sa mga nangyaring laro.

Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako ng may humarang sa harap ko na lalaki.

"Padaan po" nakayukong saad ko at dumaan sa gilid niya..

"Wait miss." awat nito sa akin at hinawakan ang braso ko..

"Bakit po?" tanong ko dito. Baka kasi may kailangan siya.

"Can you drink this for me?"

"Huh? Bakit po?"

"Pinapainom kasi sakin ng kasama ko. E hindi ko na kaya.. Kapag hindi ko ito ininom pababayaran nya sakin. Sige na inumin mo na.."

Tinitigan ko siya kung nagsasabi siya ng totoo.. Muka naman siyang mayaman. Di mukang wala siyang pambayad.

"Kahit kalahati lang.. Sige na miss. Maawa ka na sakin.." pagmamakaawa nito

"Sige. Kalahati lang ha?" pag-sang ayon ko.
Hindi naman siguro ako malalasing eh.

Pag-inom ko sa inabot niya ay ngumiti siya agad sakin.. Masarap naman yung cocktail at parang di nakakalasing.
Mangangalahati ko ng iyon ng biglang  may dumating at hablotin sa akin ang alak..

"Stay away from her!" galit na boses ni Maya at malakas na inabot sa dibdib ng lalaki yung baso..

"Bakit ka ba nakiki-alam?!" baling nito kay Maya kaya nakaramdam ako ng takot para dito.

Bakit kasi lagi siyang galit? Maayos naman nakikipag-usap si Kuya sa akin eh.

"Kuya pagpasensyahan niyo na po siya.. Maya, tara na!" hatak ko dito palayo pero hinawakan ako sa braso ni Kuya

"Teka lang Miss.. Baka gusto mong sumama pa sa akin."

"Shut the fuck up! She's with me! She's my girlfriend so fuck off!!" malakas na sigaw ni Maya. Mabuti na lang maingay dito kaya kami lang nakarinig ng sinabi nya..

"Pre, iba na lang. May kasama. Baka mayari tayo.." rinig kong sabi ng isang lalaki na humihila na palayo dun lalaking kausap ko kanina..

Nang makalayo sila ay hinarap ko na si Maya..

"Bakit ka ganyan? Bakit bigla ka na lang nang-aaway b-baka m-mapahamak ka sa.. Ahmm..." ano itong nararamdaman ko?

"Shana! Huy! Ayos ka lang??"

Ang init. Sobrang init.

Napayakap ako kay Maya..

"Maya, ang init.."

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon