20

937 48 208
                                    

"Huh? Eh.. Teka! Bakit ang lapit ng muka mo.." nauutal na sagot nya at tinulak ang muka ko palayo sa kanya pero mas nilapit ko lang iyon.

"Gusto kita! Ahm.. Minsan! Minsan naman ayaw ko sayo kasi ang sungit mo.. Pero kapag mabait ka sakin, gusto kita kasi magkaibigan naman tayo eh. Diba?" hindi niya nagets ang tanong ko.

"Ako ba, Maya.. Ahm. Gusto mo ba ako?" i was stunned by her question.

Gusto in what way ba?

As a friend? No.

More than that? Y-yes.

"Bakit naman kita magugustohan?! Baliw na ba ako?!" sagot ko sa kanya at ngumuso naman siya.. Cute

"Ang pangit mo Shana! Ilang ulit ko ba sasabihin na wag kang ngumunguso?!"

"Eh bakit ba?! Dun na ako nasanay eh. Gaya ka rin!" hindi ko na siya pinansin at pabagsak na nahiga sa kama ko..

Nag-open ako ng cellphone ko at nagfacebook muna..
Nakita ko sa news feed ko na nagpost si Achi ng picture nila ni Jelay habang magkashare sa earphone.

They're look so lovely together.. Pssh

"Maya!" nagulat ako at mabilis na nag-scroll ng biglang humiga si Shana sa tabi ko..

"Ano na naman?!" asik ko ng hindi siya tinitignan..

Nasasanay na siya humiga sa kama ko. Nung isang araw dito pa yan natulog. Di naman kami masikip nun pero pakiramdam ko nun hindi ako makahinga.

"Duo tayo sa ML!" saad nya habang nakanguso na naman. Oo na! Siya na may magandang labi.

Yung labi niya, ang nipis na mapupula at parang ang lambot. Di pa ako sure dyan, di ko pa nararamdaman eh kaya may parang.

Tsaka di ko trip. Kayo lang naman may gustong maramdaman ko. Duh!

"Duo??" kanino nya nalaman ang salitang iyon? Kasi kung hindi nyo mapapansin parang kahapon lang ito pinanganak si Shana. Halos lahat ng bagay sa kanya tinuturo ko pa.

Tapos wala din siyang alam sa sarcasm.

"Oo! Yung laro tayong dalawa.. Di mo alam yun? Si Achi nagturo sa akin nun! Sabi nya kasi Duo daw kami, bubuhatin nya ako. Legend na nga daw siya eh!" natawa naman ako sa sinabi ni Shana..

"Legend pa lang siya?! Sabihin mo, practice muna siya bago siya magbuhat.. Tsk!" sagot ko at binuksan na ang mobile legends app ko..

Ginaya na rin ako ni Shana na nakahiga pa rin sa tabi ko.

Naglaro lang kami ng ML hanggang makatulog na naman siya. Lagi niya na lang nakakatulogan maglaro.

I opened my camera app and secretly took a photo of us. Nakangiti ako habang natutulog naman siya ng mahimbing.

Pagkatapos nun ay hindi ko na siya ginising at pinatay na lang lahat ng ilaw..

"Goodnight Shana.." nahiga na ako patalikod sa kanya at natulog.

                                                                   

Mabilis lang lumipas ang araw.. Nagsunod sunod ulit panalo namin. Every game na din pinapasok ni Coach si Shana pero madalas di kami nagkakasabay tsaka saglit niya lang pinapalaro ito..

Hindi ako sigurado bakit ganon pero pakiramdam ko ayaw lang ni Coach ma-scout si Shana ng kalaban at ibababad na lang ito sa mga crucial game.

Maganda naman kasi nilalaro ni Shana kahit limited minutes. Syempre! Magaling nagtrain sa kanya eh. No other than me! Hahaha

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon