JILLIAN SHANE PILONES #11
Okay na ako.
Nang magkita kami sa simbahan, sa kasal ng ate niya. Okay na ako.
Nagawa kong makipag-usap sa kanya ng hindi nabubulol.Kahit ng magpunta kami sa reception at ramdam na ramdam ko ang mga titig niya na di maalis sa akin. Okay na ako.
Medyo nagugulohan lang ako, bakit? Anong trip niya? Bakit kung titigan niya ako parang gusto niya ako..Pero binalewala ko na lang yun hanggang magising ako sa tili ni Jazz.
"Ate!! Ate!! OMG!!"
"Ano?! Bakit ka nagtitili dyan?" inaantok na sagot ko dito. Talagang kinatok niya pa ako sa kwarto ko. Kung kailan restday ko binubulabog ang tulog ko.
"Trending ka!! With ate Kaori!" napabalikwas ako ng bangon sa narinig ko.
"Huh?"
"Tingnan mo! Nasa sport headline kayo.. Kaori Oinuma still inlove with her ex-girlfriend Jillian Pilones" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Pinanuod ko ang video kung saan sinabi ni Kaori na iisang tao lang nagpatibok ng puso niya at hanggang ngayon nagpapatibok nito.
"Baka naman hindi ako yan! Bakit kaagad sila nag-assume na ako yan?!" iritang saad ko. Wala naman kasing sinabi si Kaori na ako. Malay mo, di naman niya talaga ako minahal kaya nga ang dali lang sa kanyang iwan ako.
"Eh sabi dito ate kilala ni Coach Sol. Ikaw talaga ito, Ate!" giit ni Jazz
"Magtigil ka! Ako lang ba ang taong kilala ni Coach Sol? Tsaka ano naman kung mahal niya pa ako? Dun ka na nga. Inaantok pa ako eh!" pagpapataboy ko sa kanya.
Lumabas naman siya ng kwarto kaya pumikit na ako ulit pero kahit anong gawin kong pag-gulong gulong sa kama ay dilat na dilat pa rin ang diwa ko.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko. May mga text at call galing sa mga kaibigan ko.
Kay Kyzha unang binuksan ko..
"Good morning Bruha! Trending ka sa buong mundo! Kaloka yung ex mo!" naririnig ko ang boses nya sa text
Sunod kong binasa ay kay Achi.
"Good morning baby.. Don't forget to eat your breakfast when you wake up."
"Baby, ahm.. How are you? You heard about the news?"
Nagbasa pa ako ng ilang text sakin galing sa mga kakilala ko sa basketball community puro tungkol sa interview ni Kaori.
Hindi ko alam na balak niya palang mag-artista. Masyado siyang pa-showbiz!
Nag-open ako social media account ko na sumabog sa dami ng tag and mention sakin..
Fake news all over my news feed. Nag-assume ang mga tao na ako ang tinutukoy ni Kaori at nag-assume din silang ako ang nakipag-break..
Kung alam niyo lang.. Halos lumuhod ako sa harap ni Kaori para lang di niya ako iwan.. Haha
Napangiti na lang ako ng mapakla.
Bakit kailangan niyang sabihin yun? Binubuksan niya na naman ang libro na siya mismo ang nagsara.Buong araw na pagtambay ko sa Social Media ay puro tungkol sa amin ni Kaori ang balita.
Meron kasing mga nagtaas ng kilay, merong kinilig at umaasang magkakabalikan kami.Patulog na ako ng makita ko ang tweet ni Kaori patungkol sa issue. Hindi siya nag-deny na ako yun.
@/kaori_oinoma23 : Please stop spreading rumors. I'm the one who broke up with her. It's all my fault. Believe me she's a great girl, so please stop hating her. Thank you for your understanding!
BINABASA MO ANG
Match Found
Fiksi PenggemarJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...