Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos namin mag-usap ni Shana konti..
Kinaumagahan ay maaga ako gumising para sa morning exercise ko. Di ko inaasahan na sa paglabas ko ng kwarto ay masasaktohan ko si Charlie.
Napatingin ako sa maleta na bitbit niya. She's moving out.
"Can we talk?" masinsinan na tanong ko sa kanya.
"Kung pipilitin mo lang akong mag-stay dahil sa basketball, wag na lang.." saad nya at nilagpasan ako..
"Please, Charlie.." napahinto siya sa sinabi ko.
Mabuti na lang pumayag siya dahil kung hindi, hindi ko na alam ang susunod na sasabihin ko pa sa kanya.
Nandito kami ngayon naka upo sa bleacher sa tapat ng soccer field.. Pinapanuod namin ang mga naglalaro.
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pungay sa mata niya..
"Charlie.. First of all I want to say thank you to you.." hindi niya naman ako inimik hudyat na magpatuloy ako.
"Those letters you send to me everyday? It ready makes me happy. Pinapagaan nito ang pakiramdam ko. Hindi ko man aminin araw araw akong na-eexcite mabasa ang mga sulat mo.." huminga muna ako ng malalim at tinuon na ang pansin ko sa mga naglalaro.
"I'm sorry sa naging reaksyon ko.. Hindi ko nasabi yun dahil ayaw ko sayo.. In fact, i like you.. I even like you more when i found out that you're the person behind the letter." muli akong humarap sa kanya at tinitigan siya..
"I like you because we are friends.. Hindi ako makapaniwala na ikaw yun. Ikaw ang huling tao na gugustohin kong magkagusto sakin... Alam mo bakit?" tumingin sya sakin na parang nagtatanong kung bakit.
"Because i treasure what we have.. Alam ko naman na maraming may ayaw sa akin sa team. Charlie, konti lang kayong kaibigan ko sa team. Hanggang maaari sana ayukong magbago yun.."
"I'm sorry.." mahinang saad niya
"No. Don't say sorry. Wala kang kasalanan.. It's just that love really come unexpectedly. Naiintindihan kita pero Char--"
"Stop right there, Kao.." pagputol nya sa sasabihin ko at ngumiti ng pilit "Alam ko na sasabihin mo.. Hindi ko na kailangan marinig pa."
Napayuko na lang ako. Masakit sakin na masaktan ko ang kaibigan ko..
"May tanong ako.. Sana maging tapat ka" tumingin ako sa kanya
"K-Kung si Jelay ba nagpapadala ng letter sayo ganyan magiging reaksyon mo?" napaawang ang bibig ko ngunit sinara ko rin.
I will be lying kung sasabihin kong hindi ako natuwa nang akala ko si Shana ang nagbibigay sakin ng mga sulat.
I was so hopeful that she's the letter sender kahit na nakita ko na ang pagkakaiba ng stroke ng penmanship. I was so in denial with myself back then..
Bago pa ako makasagot ay tumawa na siya ng mahina..
"Di mo na kailangan sumagot, Kao. Alam ko na." tumayo siya ngunit nanatili.
"Siguro nga totoo yung sinasabi nila na ang pag-ibig darating ng hindi mo inaasahan. Mararamdaman mo na lang ng biglaan at hindi ka na basta basta lulubayan. Ang pag-ibig hindi mo napipili kaya kahit anong gawin mo kung hindi ka talaga mahal, hindi ka pipiliin."
Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya. Aaminin ko may nararamdaman na ako para kay Shana pero hindi pa iyon ang priority ko.
Lumingon sakin si Charlie at ngumiti. Yung ngiti na totoo at masaya talaga.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...