KAORI JANELLA OINUMA #23
"San ka na naman galing?" paakyat na ako sa kwarto ko ng marinig ko si Daddy. Napatingin ako sa kanya, may hawak siyang kape at mukang kakalabas lang ng kusina. Paakyat siguro siya sa office nya para mag-trabaho.
"Dad.." ihahanda ko na ang tenga ko.
"Anong itsura yan?! Ayosin mo nga ang suot mo" tinitigan ko itsura ko.
Ano bang mali? Pants na ripped jeans. Simple loose black shirt, pink na sumbrero na binaliktad ko..
Wala namang mali ah?
"Muka kang tambay sa kanto!" dugtong nya pa..
Ganda ko namang tambay sa kanto.
"Nagbasketball ka na naman siguro nuh?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na magfocus ka sa business natin! Hindi mo gayahin ang ate mo! Magaganda ang marka at ABM (Accouting and Business Management) ang course. Hindi katulad mo! BS Psychology? Anong gagawin mo dyan? Mang-gagamot ng may mga sayad? O baka yan kinuha mo para madali lang at makapag-focus ka sa pagbabasketball mo?"
Dami na naman sinasabi si Daddy. Kaya excited na ako lumipat sa Athlete Flat. Walang magbubunganga sa akin dun.
"Dad, walang madaling course." simpleng sagot ko na parang naiinip na.
"Walang madaling course sa tulad mong tamad! Puro basketball inaatupag mo! Pakain ko sayo yang bola mo eh"
"Masaya ako dito.."
"Sige! Bahala ka sa buhay mo! Wala na talaga kami mapapala sayo. Ang ate mo na lang talaga ang pag-asa namin.." umiiling iling siya na dumiretso na sa office niya..
Napabuntong hininga na lang ako at tinungo ang kwarto ko.
Bubuksan ko na sana ang kwarto ko ng saktong lumabas si Ate sa katapat na pinto ng kwarto.."Ate.." masayang bati ko sa kanya at ngumiti pero nilagpasan niya lang ako na parang walang nakita.
Hindi naman ganyan dati sa akin si Ate Kiara. Close kami dati at sinusuportahan niya pa ako sa pagba-Basketball ko pero ngayon, hindi niya na ako kinakausap.
Nakayuko ang pumasok sa kwarto ko.
Dinampot ko ang maliit na bola. May ring din na nakadikit sa may gilid ng kama ko. Binato ko dun ang bola at pumasok yun.
Dito ako masaya eh. Ito na lang yung ginagawa ko na alam kong magaling ako.
Si Daddy din naman nagturo sa akin mag-basketball. Pangarap niya kasi makapaglaro sa PBA pero nagkaroon ng major knee injury si Daddy nung College pa lang siya dahil dun nawala ang laro niya. Hindi siya na-draft sa PBA kaya nagfocus na lang siya sa family business namin.
Magaling na investor si Daddy marami siyang share stock sa iba't ibang malalaking kompanya sa bansa. Idol ko nga siya eh!
Proud din ako kay Ate! Nasa Orion University din siya nag-aaral. Nakakuha siya ng scholarship dun kasi isa siya sa may matataas na marka ng mag-entrance exam.
Niregalohan siya ni Daddy ng condo na malapit sa school para daw di mahirapan mag-commute pero niregalohan din siya ni Dad ng Volkswagen Santana ng mag-graduate siya.
Yung kotse ko? Ako ang nagbayad ng kalahati nun. Sapilitan pa kay Dad yung pagbayad nya sa kalahati. Yung kalahati naipon ko incentives ko dahil sa mga awards na nakuha ko last year. May mga cash prize kasi yun.
Si Mommy lang talaga ang kakampi ko sa bahay na ito kaso namatay siya bago ako mag-college dahil sa breast cancer. Bale mga 1 year ago mahigit palang.
I miss my Mom everyday.
I lost my Bestfriend and i lost my number one fan.Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Marami na rin akong medals at trophy na nakuha dahil sa pagbabasketball ko pero para kay Daddy basura lang yan.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...