It was just a minor ankle sprained. 2 to 3 weeks magiging okay na daw ang paa ni Shana.
Andito kami ngayon sa sala. Nilalapatan ko ng ice pack ang paa nya para mabilis na gumaling.
She's blaming herself again dahil sa talo namin kaya tahimik lang kaming dalawa.I don't know what to say. I'm not good on comforting! Basta ako hindi ko siya sinisisi. It was a good fight, it's just that our opponent is a dirty player.
Nang tingnan ko ulit ang muka niya ay namumuo na naman ang luha sa mata nya..
"Hey, i said stop crying!" pagalit ko na sa kanya.. Madedehydrate na siya sa ginagawa nya eh. Kagabi pa siya iyak ng iyak simula ng malaman nya na natalo kami.
Tententen tentenenten
Can I call you baby?
Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' in,Napatingin kaming dalawa sa cellphone nya na tumunog.
Kinuha ko iyon para di na siya tumayo."Your mom is calling.." saad ko pagkakita ng caller id at inabot sa kanya ang cellphone.
"Hello?" mahinang sagot niya.
"....."
"Okay na ako, Inay.. Sabi ko naman po sa inyo kagabi mabilis lang ito gagaling"
"....."
"Iniingatan ko naman po ang sarili ko tsaka nandito si Maya, inaalagaan ako.."
"....."
"Sige po, Inay." "Maya, kausapin ka daw ni Inay." saad nya sabay abot sakin ng phone..
"What?!" kunot noong tanong ko
"Huy! Ayan na oh. Rinig ka na nila Inay." wala akong nagawa kundi itapat ang cellphone sa tenga ko.
"H-hello po?" kinakabahang bungad ko.
"Maya? Iha?"
"Opo."
"Napapanuod kita! Ang galing galing mo! Ang ganda ganda mo pang bata.. Sabi ko kay Jelay hingan ako ng.. Ano nga yun, Jazz?" "Video Greet, Inay" rinig kong sagot ng isang babae. "Ayun! Bidyo grit!" natawa ako ng mahina sa sinabi nito.
Alam ko na kung saan nagmana si Shana.
"Sige po, Tita." nakangiting sagot ko kahit di nya nakikita
"Naku! Wag ng tita, iha. Hindi naman kita pamangkin! Inay na lang rin dahil para na kitang anak.. Lagi kang nakukwento sakin ni Jelay." tumaas naman kilay ko sa sinabi nito.
Ano naman kaya kinukwento nya tungkol sa akin?
"Ah.. Sige po, inay? Hehe" naiilang kong saad.
"Salamat sa pag-aalaga mo gid kay Jelay ha? Osya, mag-aani pa kami ng palay at mauubos na rin lod ko. Yung bidyo grit wag mo kalimutan ha?" huling bilin nito bago patayin ang tawag.
Binalik ko naman kay Shana ang cellphone niya..
"Ano naman kinukwento mo sakin sa parents mo?"
"Sinabi ni Inay na kinukwento kita sa kanila?"
"Hm.."
"Ang daldal talaga nun! Buti na lang di ako nagmana sa kanya.." di ko mapigilan di mapahalakhak sa sinabi niya..
"Huy! Tinatawan mo ba si Inay?!" huminto naman ako sa pagtawa at umiling..
"No.." ngumuso naman siya at lumungkot na naman ang muka.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...