40

852 57 63
                                    

JILLIAN SHANE PILONES #11

Si Maya ang naging Season MVP. Hindi naman nakakagulat yun kasi angat na angat ang galing niya saming lahat.

Sobrang saya niya rin ng makapasok kami sa Finals kaya sobrang saya ko rin para sa kanya.
Ganon naman talaga eh. Kung anong magpapasaya sa mahal mo, yun din magpapasaya sayo.

Kaso nakatingin na naman siya ngayon kay Ashley habang nag-shoshoot ito.

Ngayon kasi ang Championship game 3 namin kontra sa Brett University. Tinalo namin sa Semis ang Ethan Hodge na tumalo samin nang nakaraang taon.
Nanalo din kami ng Game 1 Finals sa Brett pero pagdating ng Game 2 ay bumawi sila kaya may Game 3 ngayon.

Ang galing kasi talaga ni Ashley kaya nanalo sila ng Game 2 at kaya feeling ko crush siya ni Maya. Eh wala naman akong magagawa kahit mag-selos ako paulit ulit kaya pinapabayaan ko na lang si Maya.

Nasa sa kanya naman kung ipagpapalit niya ako. Basta kung saan siya sasaya, irerespeto ko iyon.
Kung hindi na sa akin, ayos lang kahit masakit.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at nag-warm up na rin.
Nawawalan ako ng gana pero kailangan kong mag-focus dahil nangako ako kay Maya na mag-Chachampion kami.

Bago magsimula ang first quarter ay dapat yayakapin ko si Maya tulad ng nakaugalian namin kaso parang yakap naman ng iba hanap niya kaya di ko na binigay.

Nagsimula din ang laro na hindi niya naman hinanap sa akin..
Ganon naman talaga kasi kapag nakasanayan na, hindi mo na hahanap hanapin pa.
Kaya nga kahit gustong gusto ko siya halikan palagi ay nagtitimpi ako. Ayukong magsawa siya sakin.

                                                                
Sa unang yugto ng laro ay dikit lamang ang laban. Palitan kami ng lamang.
Magagaling din talaga ang Brett. Halos lahat sila magaling kaya pagod na pagod si Maya kasi babad siya sa laro samantalang ang kalaban maya't maya ang palitan ng tao.

Half time break at lamang ng apat na puntos ang Brett..
Tahimik lang si Maya at tahimik lang rin ako. Pare-parehas kaming pagod kaya mas makakabawi kami ng lakas kung hindi kami magsasalita.

"Parang may kulang. Hindi ko alam kung ano..." bulong ni Maya sa sarili niya pero narinig ko dahil magkatabi lang naman kami.

"Niyakap mo na ba ako?" takang tanong niya at lumingon sa akin..
Napangiti naman ako sa loob loob ko dahil kahit papaano naalala niya.

"Hindi pa. Gusto mo pa ba? Baka kay Ashley mo gusto magpayakap eh"

"Idiot! Ofcourse, i want!" saad niya at hinila ako palapit sa kanya para yakapin.

"Kaya siguro pakiramdam ko pagod na pagod ako.." bulong niya sakin.

"Ako din." sagot ko.

Siguro nga. Selosa lang talaga ako. Eh kung ikukumpara ko naman kasi ang sarili ko kay Ashley walang wala ako. Ang ganda nya, mayaman, matalino din tapos kahit sa basketball wala akong binatbat.

Alam mo yun? Ang daming higit sa akin. Ang dali lang para kay Maya na ipagpalit ako. Kaya kung dumating man ang araw na iyon di na ako magtataka.

"We should win, Shana." saad niya sakin na tinanguan ko.

Pag-start ng 3rd Quarter ay mukang ganadong ganado na si Maya kaya nahawa kami sa energy na pinakita niya.
Ang gaganda ng mga pasa niya samin at di naman namin siya binibigo.

Pero naiinis ako! Sa tuwing nakaka score kami, makaka-score din ang Brett. Ang galing talaga ni Ashley. Bawat bato nya ng bola pumapasok. Parang di siya nasablay.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon