25

898 61 223
                                    

JILLIAN SHANE PILONES #11

Akala ko okay na kami ni Maya dahil kinakausap niya na ako kanina sa laro, hindi pa rin pala. Dun pa rin siya naupo sa likod na bahagi sa tabi ni Karina.

Simula ng mahalikan ko siya hindi niya na ako kinakausap tulad ng dati. Ni tingnan ako hindi niya na magawa.

Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Nagsorry na ako pero parang galit pa rin siya.. Mas okay pa nga sakit kung sinigawan nya na lang ako o iniway kaysa yung wala siyang sinasabi pero iniiwasan niya ako.

Di na kami nag-jojogging sa umaga ng magkasama. Hindi na rin kami naglalaro ng ML. Kakausapin niya lang ako kapag wala na siyang choice.

Hindi ko naman ginusto ang nangyari!! First kiss ko kaya yun! Gusto ko pa naman yung first kiss ko dun sa taong mahal ko at mahal rin ako.

Pero naiintindihan ko rin siya kasi tulad ng kay Charlie, ayaw niya talaga na magkaroon ng higit sa pagkakaibigan na ugnayan sa team. Eh wala namang magkaibigan lang na naghahalikan kaya siguro nagalit siya sakin.

Napabuntong hininga na lang ako..

Paano ba kami babalik sa dati? Miss na miss ko na kasi siya. Kahit lagi niya akong inaaway, namimiss ko yun. Masaya kasi ako kapag kasama ko siya. Makita ko pa nga lang siya kumpleto na ang araw ko.

Pakiramdam ko nga kahit ganon siya sakin mas paborito ko siyang kaibigan kaysa kay Ke at Achi kasi kapag siya ang kasama ko hindi ako nakakaramdam ng pagka-bored kahit di siya magsalita.

Tapos minsan kapag tinitignan niya ako parang may kung ano sa tiyan ko na nagkakagulo.. Para akong kinikiliti kaya napapangiti ako.

Basta! Hindi ko mapaliwanag pero siya yung taong kuntento na ako makasama lang siya.

Kaya nga minsan kapag naglalaro kami ng ML sinasadya kong matulog sa kama niya para tabi kami.. Gusto ko lagi siyang malapit sa akin kaya nasasaktan akong iniiwasan niya ako ngayon.

Dumikit na lang ako sa tabi ng bitana ng bus at pinanuod ang mga nalalagpasan naming sasakyan habang nakikinig sa ipod.

Nakaka-senti naman. Panalo nga kami pero ang bigat naman sa pakiramdam.

---

"Oh? Di ka pa rin niya pinapansin?" tanong sakin ni Kyzha. Magkasama kasi kami ngayon dito sa isang coffee shop malapit sa Orion.

"Galit nga siguro sakin!" sumbong ko

"Baka nga.. Kasi diba sabi mo nagalit siya dun sa nagbigay ng letter sa kanya na ka-teammate nyo? Baka iniisip niya na may gusto ka sa kanya." naisip ko na rin yan eh

"Dapat ba sabihin ko sa kanya na hindi ko siya gusto?"

"Baliw! Ang awkward naman nun! Hahaha"

"Eh paano nga kami babalik sa dati?" halos maiyak na ako. Hindi ko na alam gagawin ko

"Hindi ko rin alam. Di ko naman kasi alam ugali niyang Maya mo!" napabuntong hininga naman ako

"Siguro iparamdam ko na lang sa kanya na hindi ko siya magugustohan ng higit sa kaibigan nuh? May pagka-assuming kasi yun! Baka iniisip niya nga na gusto ko siya kaya hinalikan ko siya"

"Try mo.. Wala naman sigurong mawawala." napatango tango naman ako.

Yun na lang gagawin ko.

                                                                     
Pag-uwi ko ng flat ay naabutan ko siyang nag-aayos ng mga sapatos niya..

"Maya.." bati ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay..

"Galing ako sa labas.. Kasama ko si Achi." di ko alam kung bakit ko nasabi yun. Sorry kay Achi gagamitin ko siya para di isipin ni Maya na may gusto ako sa kanya.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon