Wala naman masyadong nangyari pa sa buong buwan ng June. Nakilala ko lang si Achi at kahit papano naging close kami kasi lagi nya akong tinatawagan para kumustahin ang araw.
Magkukwento lang ako sa kanya ng mga ginawa ko sa araw, gumagaan din pakiramdam ko kasi nakikinig siya kahit sa mga hinaing ko. Kapag pagod na ako sa trainings, kapag di ko maintindihan ang pinag-aaralan ko. Andiyan lang siya nakikinig sakin. Minsan kapag nagkakasabay din ang breaktime namin pinupuntahan niya ako para sabay kami kumain.
Wala akong ibang kaibigan sa school kundi siya lang.
Ngayon na ang simula ng dalawang beses na training namin sa isang araw kaya di na kami makakapag-training ni Maya ng kami lang.
Mag-sisimula na ang training namin ngayon sa hapon pero di ko pa nakikita si Achi. Sabi nya manunuod daw siya ngayon eh..
"What's wrong? Bakit kanina ka pa natingin sa paligid?" tanong sakin ni Maya habang nagtakbo kami paikot ng court..
"Wala.." sagot ko at nagfocus na lang sa pagtakbo.
Nag-drills lang kami tulad ng madalas namin ginagawa.
"Boxout Pilones!" "Sealed a post!" utos sakin ni Coach.
Pinupursige kasi nila ako sa rebound talaga.
"Yung pivot mo.. Gawin mo yung tinuro ko!" marami ng naturo sakin si Coach at Maya. Sa loob ng dalawang buwan mahigit ay marami naman akong natutunan kaso natataranta pa rin akong minsan.
"Pagka-rebound mo at masikip sa ilalim, ilabas mo muna ang bola sa kakampi mo.." pagpapaalala sakin ni Coach. Lagi ko kasi nakakalimutan yun kaya naagawan ako madalas..
"Break muna!" maya maya announce ni Coach.
Lumapit sakin si Maya na may dalang bola..
"Shana! Diba sabi ko naman sayo pagka-rebound mo ng up-fake kapag kumagat bantay mo itira mo.. Kapag hindi ipasa mo sakin sa labas, naghihintay lang ako!" pagalit sakin ni Maya.
"Nakakalimutan ko kasi tsaka di pa nga ako masyadong magaling mag-shoot baka sumablay lang.." nakalabing sagot ko sa kanya
"Hay naku!! Bakit hindi? Diba nag-praktis na tayo ng shooting mo? Paraan saan pala yun kung hindi ka titira?! Aasa ka na lang saming teammates mo!" pinapagalitan niya na naman ako. Bawat konting pagkakamali ko lang katakot takot na sermon ginagawa niya sakin.
"Presence of mind naman! Lumalipad kasi ata utak mo kung meron man" padabog siyang nagtungo sa bleacher at uminom sa bote nya..
Patungo na rin ako sa bleacher ng makita ko si Achi na nakangiti sakin..
"Achi!!" masaya akong lumapit sa kanya at parang nakalimutan ang pagalit sakin ni Coach at Maya.
"Nakita mong pinapagalitan ako?" nahihiyang tanong ko sa kanya.. Ginulo niya ang buhok ko at inabutan ako ng inumin..
"Oo pero normal naman yun. Di ka pa ba nasanay? Haha napanuod ko naman praktis nyo, okay naman ginagawa mo. Sabi mo nga, bago ka pa lang naglalaro.. Mag-iimprove ka pa." pagpapagaan nya ng loob ko..
"Haay.." napabuntong hininga na lang ako at ininom ang bigay ni Achi..
"Bakit pala ngayon ka lang?" takang tanong ko sa kanya
"Sorry.. Nagkatulog kasi ako.. Di ko namalayan ang oras kaya nahuli ako"
"Ahh.. Ayos lang." nakangiting sagot ko
"Shana!!" napalingon ako kay Maya na tinatawag ako..
"Uy, sige. Balik na ako sa training. Mapapagalitan na naman ako nun eh" tumawa ng mahina si Achi at nagmadali na akong lumapit kay Maya.

BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...