28

885 62 301
                                    

"Tingnan mo ang cute!!" masaya akong hinila ni Shana papunta sa mga headband na may cute animal design.

"Waah! Ang cute mo, Maya!" bulalas nya ng suotan ako ng headband na may tenga ng panda.

Tinignan ko ang muka ko sa salamin.

"Ang corny!" reklamo ko at akma ng tatanggalin ko ng awatin nya ako..

"Teka lang.. Picture muna." nagsuot siya ng ng headband na parang sa rabbit at tinutok samin ang cellphone..

Napipilitan na nagpose naman ako. Tinitignan namin ang picture namin sa cellphone ng may lumapit samin...

"Hello po! Diba ikaw si Kaori?" tinitigan ko naman ito.. "Hala! Si Jillian! Kayo nga yun!" tuwang tuwang saad nito..

Nagtawag pa siya ng tropa at nagpapapicture samin.
Hanep naman! Dumadami na nakakakilala talaga samin.

Pagkatapos ng picture picture na yun ay naglibot na ulit kami.. Namili kami ng mga damit at sapatos para sa pamilya nya. Mukang malaki laki natipid ni Shana ah. Marami siyang pinamimili eh.

Pagkatapos sa mga damit ay kumain muna kami then inaya ko sya sa jewelry shop.

Nagtingin tingin ako dun ng pwede ibigay kay Daddy at ate. Siguro kay Dad relo na lang.. Para sa tuwing titingin siya dun he'll remember me somehow.
Kay Ate hikaw naman. Para mas lalo siyang gumanda.

"Ano kaya bagay kay Ate?"

"Ilang taon na po ba Ma'am ang kapatid nyo?" tanong ng sales lady

"I'm not talking to you.." masungit na saad ko sa kanya "Shana, ano tingin mo?"

"Tingin ko ang sungit mo!" asik nya sakin "Pasensya ka na ate ha? Pinaglihi kasi sa sama ng loob yan." baling nya sa tindera.

"Ayos lang po ma'am.." magalang na ngiti pa rin nito.
Sus. Plastik! If i know, naiinis na siya sakin kaso customer ako kaya di nya ako masungitan.

"Ito na lang, Maya.. Mukang simple lang pero sigurado ako bagay sa ate mo. Simple lang din naman siya eh"

"Miss.. Ito daw" tawag ko dun sa saleslady.. "Tsaka ito." turo ko sa relong napili ko kanina para kay Dad.

Habang nagbabalot si Ateng saleslady nakita ko si Shana na may tinitignan na kwintas sa kabilang rack. Talagang nilapitan nya pa iyon para makita ng mabuti.

"Swerte nyo po sa girlfriend nyo.. Iniintindi ka niya kahit masungit ka." saad ng saleslady sakin

"Masungit ako?" taas kilay na tanong ko

"Ahm.. M-medyo po" kinakabahan na sagot nya

"Medyo huh?" nangisi na lang ako. Akala ko magsasabi na siya ng totoo. Takot pa din pala.

Yun nagustohan ko kay Shana eh. Di siya natatakot na sabihin sakin kung ano ba talaga ako. She never fake me. Kung naiinis siya sakin, ipapakita nya yun.

Nilapitan ko naman si Shana at tinignan ang tinitignan nya..

"You want that?"

"Para kay Inay sana.. Kaso medyo mahal. Tapos ka na?" tanong nya sakin

"Yeah.. Pero wala pa akong gift sa family mo." nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko

"Bakit mo sila bibilhan ng regalo?"

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon