19

834 59 218
                                    

KAORI JANELLA OINUMA #23

We lost pero wala dun ang isip ko. Nakasandal lang ako sa upuan ng bus habang naiisip ko ang pagyakap sakin kanina ni Shana.

It feels so comforting. It was our first hug. Nayayakap naman ako ng iba naming teammates pati ni Karina pero iba yung kanina.

Malalim kong iniisip yun ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya..

"Wag ka na malungkot.. Babawi tayo." saad niya. She's too cute. Too innocent.

And too much for me to handle..

Hindi ba talaga siya yung nasa likod ng letter? I want it to be her... But at the same time, ayuko rin..

Nagsisimula ng mabuo ang pagkakaibigan namin at magugulo lang kapag nahaluan ng higit pa.

"Di naman ako malungkot talaga.. Pagod lang" sagot ko sa kanya.

Kinuha niya ang ulo ko at pinahiga sa balikat niya..

"Matulog ka na lang muna.." hinayaan kong mapikit ang mata ko at hilain ng antok habang nakasandal sa balikat niya.

Nagising ako sa mahinang tapik niya sa pisngi ko..

"Maya, nasa Orion na tayo." dinilat ko ang mata ko at kami na lang dalawa pala ang naiwan sa bus.
Tumayo na ako at mabilis naman siyang kumapit sa laylayan ng damit ko para sumama sakin.

Pagdating namin sa flat ay pare-parehas kaming parang pagod na pagod pero si Shana ay nagluto pa ng haponan para saming lahat.

Naupo lang ako sa bean couch at nakisali sa pinapanuod nila habang hinihintay ang luto ni Shana.

Ilang saglit pa ay tinawag na kami ni Shana para kumain. Tahimik lang lahat kami habang nakain. Ganun talaga kapag talo.

Pagkatapos kumain ay nag-volunteer si Shana na siya na daw maghuhugas. Ayuko pa sana kasi siya na nga nagluto pero sabi niya kaya niya na daw kaya hinintay ko na lang siya sa kwarto.

Nakaupo lang ako sa kama ko, nakasandal sa headboard habang iniisip ko pa rin yung yakap ni Shana, yung pagpunas niya sa pawis ko tapos idagdag mo pa yung pagpapahiga niya kanina sa balikat niya.

Hindi ko maintindihan bakit di iyon mawala sa isip ko hanggang pumasok na si Shana sa kwarto.

Ngumiti siya sakin pero halatang malungkot. Muka siyang nanghihina ngayon.

Naupo siya sa gilid ng kama niya pero paharap sa gawi ko..
Yumuko siya na parang may sasabihin sakin kaya hinintay ko iyon..

"Maya.."

"Bakit?"

"Pakiramdam ko natalo tayo dahil sa akin.." mahinang saad nya na nagpakunot ng noo ko

"Kaya kung magagalit ka sakin ayos lang pero di pa rin ako pwede mag-quit sa team" saad niya pa rin na hindi natingin sa akin..

"Bakit mo naman nasabi yan??"

"Kasi kung kailan pinasok ako tsaka tayo natalo. Siguro kung si Alex o si Athena ang pinasok kaysa akin, mananalo pa tayo." malungkot na saad niya..

Kumilos ako at naupo sa gilid ng kama ko paharap sa kanya..

"Don't say that!" pagalit ko sa kanya at inangat ang muka niya para matitigan ito.

"Don't blame yourself.. Ako nga ata nagpatalo. Kung hindi dahil sa biglaang pasa ko kay Mela hindi niya mabibitawan ang bola at hindi makakapag-fast break ang kalaban.." umiling iling naman siya..

"Hindi! Hindi mo yun kasalanan.. Kasalanan ko yun kasi hindi pa rin ako magaling. Siguro kung hindi ko na-foul yung kalaban mananalo pa tayo. Kasalanan ko talaga iyon!" sagot nya at nagsimula ng umiyak..

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon