11

994 58 34
                                    

Kakatapos lang?

"Huy! Nag date tayo?" akala ko yung date kapag lalabas kayo sa mall at kakain.

Hindi ko naman kasi naririnig yang date sa probinsya.. Gala lang tawag namin dyan eh! O kaya lakwatya!

"Date with myself." tipid na sagot niya..

Ahhh.. Pwede pala yun..

"Kumain na kami, Capt!" saad ni Bea. Tumango lang si Maya at nagtingin sa kaldero ng kakainin.

"Maupo ka na dun.." utos niya sakin kaya naupo na lang ako.

Habang naghihintay sa kanya ay nilaro ko ang labi ko gamit ang daliri ko..

Ilang saglit pa ay naglapag siya ng plato sa harap ko na may kanin. Kumuha pa siya ng tubig bago tumabi sakin..

Chopsuey ang ulam namin.. Dapat kasi mga healthy food daw at infairness, magagaling magluto mga kasama namin sa bahay. Si Maya di ko pa alam kasi tuwing kami ang nakatoka magluto, ako pinagluluto nya tapos siya lang maghuhugas ng pinagkainan.

Nilagyan ko ng itlog pugo ang kanin niya, napansin ko kasi na gusto nya yun.

Napatingin naman siya sakin sa ginawa ko..

"Bakit?" takang tanong ko

"Wala.." ngek. Bakit kaya?

Pagkatapos kumain ay natulog na rin kami.. Kinaumagahan ay di na mainit ulo sakin ni Maya. Normal na yung init ng ulo niya.
Bumalik na kami sa normal routine namin na jogging sa umaga, praktis kasama ang team pagkatapos pagdating ng tanghali papahinga hanggang maghapon at magpraktis na kaming dalawa lang.

Pero ngayon magbabago ang routine namin dahil FIRST DAY OF CLASS NA!!

College na ako! Di ko na naisip noon na makakapag-college ako. Ang plano ko lang dati ay tulongan si Inay sa pagtatanim ng iba't ibang prutas sa lupain na pagmamay-ari ng mayor namin.

Nag-jogging muna kami sa umaga at nag-training pa rin kasama ang team pero pagkatapos nun, nag-ayos na ako para pumasok sa klase. Laking tulong din talaga na nakatira kami sa loob ng University kasi tipid sa pamasahe, pagod at sa oras dahil walang traffic. Lalakarin lang namin.

May orientation pala ngayon.. Nasa auditorium kami lahat at ngsasalita sa harap si Master Lyra. Siya ang namamahala ng Orion University. Maganda din talaga siya pero si Master Vega talaga crush ko.. Crush lang. Taken na yun eh.

Habang inaantok na nakikinig kay Master Lyra ay may umakbay sakin.. Paglingon ko si Karina. Medyo hirap pa siyang abutin ako.

"Hello Jillian! How are you?" bati nya sakin..

Nasa tabi niya rin si Maya. May kasama pa silang dalawang lalaki.

"Hello! Ayos lang. Kumusta?" balik tanong ko.

"Feeling great!" nakangiting sagot nya at inalis na pagkaka-akbay sakin. Nahirapan na siguro siya.

"Hi! Tan nga pala.." pakilala sakin nung isang kasama nilang lalaki..

"Gian.." sabi pa ng isa.

"Jillian.." sagot ko at tinanggap pakikipagkamay nila.

"Ilang taon ka na?" tanong nung nagpakilalang Gian.

"18" nakangiting sagot ko..

"Ingay naman! Nasa bar ba kayo?!" reklamo ni Maya. Kahit kailan ang sungit.

"Ikaw nga maingay, lakas ng boses mo!" sagot ko sa kanya.. Tinawanan naman siya ng mga kaibigan nya..

"Hoy Shana! Natapang ka na ah!" nag-belat lang ako sa kanya at humarap na sa stage..

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon