Hindi naman ako nagsisisi o nabibigla ng sinagot ko si Maya. Simula ng magsama ulit kami ay marami akong napatunayan na mahal niya akong talaga at nagsisisi siya sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin noon.
Marahil ay masyado lang siyang nagalak sa naging alok sa kanya. Kung minsan naman talaga nakakapag-desisyon tayo ng hindi nag-iisip kapag sobrang natutuwa.
Siguro pagsubok din sa aming dalawa ang magkalayo para masukat din ang pagmamahalan namin. Simula kasi ng magkakilala ay lagi kaming magkasama. Atleast napatunayan na naming kahit magkalayo kami at di nag-uusap ay ang isa't isa pa rin ang pipiliin namin sa dulo.
"Ayan! Okay na yan!" nakangiting saad ko at inabot sa kanya ang salamin para makita niya ang sarili.
"Beautiful!" saad niya na puno ng paghanga ang mata.
Pagtingin ko ay hindi naman sa buhok niyang tinirintas ko siya nakatingin kundi sa akin.."Tse! Nambobola ka na naman.. Tumayo ka na dyan. Susunduin pa natin si Daddy."
Sa wakas kasi makakadalaw na si Daddy kay Maya. Wala pa rin siyang pinagbago sa pagiging workaholic. Pakiramdam ata ni Daddy magkakasakit siya kapag hindi nagtrabaho kasi.
At tama ang basa niyo kanina, nakakapaglakad na si Maya pero saglit pa lang. Mabilis mapagod ang mga binti niya kaya nag-the therapy pa rin siya..
6 months na rin nakakalipas simula ng maaksidente siya. Simula din nun ay di na siya nanunuod ng kahit anong may kinalaman sa basketball. Nalulungkot kasi siya. Alam naman natin kung paanong umiikot ang buhay ni Maya sa basketball kaya hindi ko alam paano pa siya nabubuhay marahil ako ang dahilan kaya kinakaya niya pa. Charot! Hehehe
"Let's go!" masayang saad niya at nauna ng lumabas ng bahay..
Malamig ngayon dito kaya parehas kaming balot na balot ni Maya. Nakahawak ako bewang sa niya para alalayan siya kahit papaano..
Mabilis kaming nakasakay sa taxi at sinundo si Daddy sa airport.
Dumating kami na hindi pa nakakalapag ang eroplano niya kaya naupo muna kami ni Maya sa waiting area.Nag-pipicture kami ni Maya pang-post nya daw sa IG niyang inaagiw ng may gumulong na maliit na bola sa paa niya kaya napaangat siya ng tingin sa humahabol ng bola.
"Y-you" nanginginig na turo ng bata kay Maya..
"What?!" masungit na saad ng katabi ko
"You're my favorite! Dream girl!!" masayang turan ng batang babae.. "Mommy! Mommy! Kaori is here!" mabilis naman lumapit sa kanya ang babaeng sa tingin ko nasa 30's ang edad.
"OMG baby! Today is one of your most lucky day!!" bulalas din ng kanyang ina "Can you have a selfie with my kid?" magalang na tanong nito kay Maya.
Tingin ko ay di pa kumportable si Maya at parang naiilang magpapicture. Matagal siyang hindi lumabas ng bahay. Matagal nawala sa kanya ang spotlight. Sa isip niya siguro ay hindi na siya makikilala ng mga tao at di na siya mahal porket di sya nakakalaro.
"Sure Ma'am! Baby, come here." ako na ang sumagot para kay Maya at tinawag ang bata.
Mabilis naman itong pumwesto sa harap ni Maya. Lumayo ako konti para di ako mahagip sa pagkuha ng picture..
"Idol, can you sign my ball, please?" saad ng bata kay Maya..
Nakita ko paano magdalawang isip si Maya na tanggapin ang bola. Marahil miss na miss niya na talaga ang paglalaro.
"Pretty please.." paki-usap ng bata kaya ako na kumuha ng bola at pinilit ipahawak kay Maya.
"Pirmahan mo na.." mabagal na pinirmahan ni Maya ang bola. Bago niya muling ibalik sa bata ang bola ay tinitigan niya muna ito
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...