"Semis baby!!!" pagdating namin sa flat ay nagsisigawan sila at naghahampasan pa ng unan sa saya.
I softly smiled and went upstair.
Pabagsak akong nahiga sa kama ng may pumasok. Siguro si Shana.
Naramdaman kong may nilapag siya sa tabi ko bago lumabas ulit kaya tinignan ko ito.Pizza na nakalagay sa platito..
Kapag best player ka kasi may Pizza na binibigay. Yung sa akin kasi binibigay ko agad sa teammates ko. Di naman kasi healthy ang pizza.
Tinitigan ko lang ang isang slice ng pizza..
Naalala ko ng unang beses na maging best player din ako ng laro. Ang pizza ang parang trophy ko pa nun and giving me a slice of it is like giving me the part of her trophy.Who said i don't like pizza? I love pizza! Geez.
Kinain ko na iyon habang nag-sscroll sa cellphone ko.. Daming greetings na bumabati sa pagkapanalo namin.. Binabati din nila ako dahil ako na naman daw ang Season MVP.
Napangiti ako ng makabasa ng mga papuri tungkol kay Shana. Sinasabi nila na magaling daw pala ito. May nagsabi din na maganda daw si Shana at cute.
Cute? Ang laki laki nun eh!
Naumay na lang ako mag facebook ng makita ko ang bagong post ni Achi. Naka akbay sya kay Shana habang parehas silang naka peace sign. The picture was taken after nung game namin kanina.
Captioned: Best player ang baby ko
With too many emojis pa.. Binasa ko ang mga comments at puro Congrats lang naman sinasabi nila.. Umay diba?
Boring na sana ang buong linggo ko hanggang magkaroon kami ng special training ni Shana..
"Coach, i told you she can't make it." napapagod ng saad ko dahil paulit ulit kami sa passing na gusto ni Coach pero di talaga masalo ni Shana.
Ako nga hindi nya masalo! Yung pasa ko pa kaya? Tsk
"Kaya nga kayo nagprapratice.. C'mon! You can make it. Kulang lang kaso sa focus na dalawa!" pagalit niya samin.
Naka focus naman ako medyo imposible lang talaga gusto ni Coach..
Inulit ko ang mabilis na pasa pero wala. Tumalbog lang ulit ang bola sa malayo.
"Kulang kasi kayo ng connection na dalawa! Magtinginan kasi kayo para alam niyo sunod na gagawin!" napatingin naman ako kay Shana pero mabilis ko rin binawi..
"Ge ge.. Ulit!" ani ko..
Nagdribble ako, tumingin ako kay Shana bago sumalaksak at hinarang ako ni Charlie na kasama namin sa practice ngayon kaya pinasa ko ang bola kay Shana sa mas mabagal na pace at nasalo niya iyon..
Shit!
I mean, hindi yun ganon kabagal. Wala ding nakakasalo nun pero nasalo niya ng walang hirap..
"Ulit!! Binagalan mo eh!" reklamo ni Coach. Napansin niya pa yun??
Inulit namin sa bilis na kaya ko pero di talaga masalo ni Shana pero kung babagalan ko ng konti ay nasasalo niya..
"Sige. Pwede na muna sa ngayon yan! Take a rest. 2 days na lang makakaharap na natin ang Ethan Hodge na tinalo tayo ng dalawang beses!" may diing saad ni Coach.
Best of three ang laban sa Semis at ang Ethan Hodge ang makakalaban namin.
Sabay kaming tatlo na umuwi ng flat.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...