Sunod sunod ang naging panalo ng Team. Sa katunayan ay wala pa kami talo pero bukas na ang laban namin kontra sa Brett University. Ang defending Champion.
Lalo pa silang lumakas at pati si Charlie ay lumipat dun. Nakita ko rin na ang laki ng improvements ng laro niya pero kaya namin talonin yun!Kaso lang para akong lalagnatin. Ang bigat ng pakiramdam ko tapos sinisipon ako ngayon..
I texted Shana to come home na kahit alam ko na may ginagawa silang presentation ng mga classmates niya. Hindi siya nagreply sakin kaya akala ko hindi siya pupunta pero parang ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto ng kwarto.
"Maya ko, anong nangyari?" mabilis siyang lumapit sakin pagdating niya at kinapa ang noo ko..
"Nilalamig ako.." mahinang sagot ko sa kanya.
"Naku! Nilalagnat ka.. Sabi ko kasi sayo ng isang araw magpahinga ka na eh.. Kumain ka na ba?" i shake my head as a response.
"Dito ka lang muna. Dadalhan kita ng pagkain para makainom ka ng gamot.." pagkasabi niya nun ay akmang aalis na siya pero hinawakan ko ang kamay niya..
"Magpalit ka muna ng damit.." hindi pa kasi siya nakakapagbihis eh. Ako na agad inasikaso niya.
"Mamaya na ako.. Ikaw muna." sagot nya sakin then she softly kissed my cheek and patted my head bago tuloyang lumabas ng kwarto.
Nakatulala lang akong nakatingin sa pinto. I'm waiting for her to comeback. Saglit lang ay bumukas na ang pinto.
May dala siyang food tray na may lamang pagkain ko.Pinaupo niya ako sa kama at nilapag sa gilid ang food tray. Umuusok usok pa yung lugaw kaya halatang bagong luto pa iyon.
"Kainin mo na muna yan para makainom ka ng gamot.." ngumuso lang ako sa kanya
"Ano? Ayaw mo ba nyan?"
"Subuan mo ko.." ngumiti lang siya sa sinabi ko. Then kinuha niya na ang kutsara..
Ilang beses niya pang inihipan ang lugaw bago sinubo sakin.Nangingiti lang ako habang maingat niya akong sinusubuan. Nasabi ko na bang napaka swerte ko kay Shana?
Kung hindi pa, well. I'm so lucky to have her."Inumin mo na ito." inabot niya sakin ang isang tableta..
"That's huge. Ang hirap lunukin!" reklamo ko.
"Uy Maya! Maliit lang yan.. Kaya mo yan, isabay mo sa tubig.."
"Eh.. Hindi ko kaya yan!" bumuntong hininga siya sa sagot ko
Kinuha nya ulit ang gamot at umalis saglit. Pagbalik niya ay durog na ang gamot sa kutsara..
"Inumin mo na para gumaling ka na." pagkatapos ko inumin yun ay tinabi na ni Shana mga pinagkainan at ginamit ko.
"Maliligo muna ako. Matulog ka na" hindi ako sumagot sa sinabi niya. I'm just looking at her whatever she'll do.
Habang naghihintay sa kanya matapos maligo ay kinuha ko muna ang cellphone niya at binuksan. Alam naman namin password ng isa't isa.
I was scrolling to her gallery and checking her new selfies nang mag-pop up ang messenger niya..
The Fuck! Why this jerk still chatting my Shana!
Nacurious ako kung anong pinag-uusapan nila. It was just a normal conversation. Kumustahan ganon. Alam kong walang rude na attitude si Shana and hindi snob but knowing that she replied to this jerk. Umiinit ang ulo ko!
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...