35

903 51 69
                                    

JILLIAN SHANE PILONES #11

Sobra akong nag-aalala kay Maya dahil baka manibago siya..

"Bakit di ka pa natutulog?" mahinang bulong nya sakin.
Magkatabi kaming nakahiga ngayon.. Nakahilera pa kami.. Siya ang nasa pinakadulo katabi ko.

"Ikaw din. Bakit gising ka pa? Di ka ba makatulog? Nilalamok ka ba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya

"Wala namang lamok.. I'm okay medyo naninibago lang ako. I can't sleep without hugging you.. I'm busy restraining myself to hug you" mahinang bulong niya..

Nasanay kasi ata siyang magkayakap kami matulog..
Tumagilid ako at niyakap siya..

"Matulog ka na, Maya.." bulong ko sa kanya..

"Okay.." mahinang sagot niya.

Malalim na ang paghinga niya na tanda na tulog na siya pero gising pa rin ako. Iniisip ko na baka ma-turn off siya sakin.

Kapag mapagtanto niya ang pagkakalayo ng estado namin sa buhay..
Di ko naman naiisip ng una iyon. Maayos lang akong nakisalumuha sa kanila kahit na nga sobrang high-tech nila kumpara sa akin.

Ngayon nakakaramdam na ako ng insecurites.

Hanggang magtilaok ang manok ay hindi nga ata ako nakatulog.. Nang marinig kong magising si Inay ay marahan kong tinanggal ang pagkakayakap ni Maya pero parang naka-automatic ang kamay niyang muling yumakap sakin kaya tumayo na ako para di makita ni Inay. Binigyan ko na lang siya ng unan na mayayakap niya.

"Oh, bakit ang aga mo nagising?" hindi pa nga po ako natutulog Inay!

"Nakasanayan ko na po." sagot ko dito. Nag-kape na lang kami ni Inay at Itay. Nagkwentuhan kami saglit pero nagpaalam din si Itay para manguha daw ng talaba na uulamin namin.

Kami naman ni Inay ay namitas ng papaya at langka. Namiss ko itong langka. Sa Manila sobrang mahal at di ganon katamis. Dito sa amin ay talagang matatamis dahil nahinog ito puno.

Pagbalik namin ni Inay ay gising na rin si Maya. Nagkakape silang dalawa ni Jester sa pahabang lamesa na nasa labas ng bahay.

"Ate! Pinagtimpla ko ng kape si ate idol!" pagyayabang ni Jester sakin malayo pa lang ako pero di ko siya pinansin dahil nakabusangot sakin si Maya.

"You left me!" may hinanakit na saad ni Maya ng makalapit ako..

"Tulog ka pa kasi.. Tsaka maaga pa, bakit gumising ka na?"

"It's already 5 in the morning.. Jogging na tayo." aya niya sakin

"Sama ako Ate! Mag-sasapatos lang ako!" bago pa ako makasagot ay tumakbo na papasok si Jester.

"He is energetic.." natatawang saad ni Maya "Bihis ka na dun. Nakahanda na ako oh"

"Muka ba akong nakahubad sa paningin mo?" biro ko sa kanya

"You want to know the truth?" nakangising saad niya.

"Sira!" natawa na lang ako at pumasok sa loob. Narinig ko pa mahinang tawa nya pagka pasok ko.

                                                                
Tatlo nga kaming nag-jogging. Imbes na makapag solo kami ni Maya ay hindi namin magawa dahil may bantay tapos dikit pa siya ng dikit kay Maya.

At dahil hindi sanay si Jester mag-jogging ay humingi agad siya ng pahinga..

"Ate Idol, may boyfriend ka na ba?" tanong nito

"Wala." nakangiting sagot ni Maya

"Ayos! Liligawan kita!!"

"Hoy! Anong ligaw sinabi mong bata ka?!" lokong ito. Aagawan pa ako! Girlfriend ko yan! Maya ko yan!

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon