Simula ng araw na iyon ay lagi na ako nakakatanggap ng letter. Pero di ko tinatanong si Shana kung sa kanya ba galing ang mga yun..
Napangiti ako ng pagbukas ko ng locker ay may nakita akong letter na naman..
Taxi ka ba? Kasi bawat minuto napapamahal ako sayo.
I bite my lower lip. Loko talaga..
Napailing na lang ako at inipit sa notebook ko.
Parang di nauubusan ng pick up lines. Araw araw may bago.Habang nakikinig sa prof ko napapasulyap ako sa mga letter na nakaipit sa notebook ko..
Barya ka ba? Kasi umaga pa lang kailangan na kita.
Basa ko dun sa isa..
Si Shana kaya talaga nagbibigay nito? Hahahaha ang corny!
Pagkatapos ng first class ko ay kumain muna kami sa cafeteria nila Karina.
"Okay ka lang ba Kao?" napalingon ako kay Tan..
"Oo naman.. Bakit?" nakangiti kong tanong sa kanya
"Kanina mo pa nginingitian yang salad mo eh.."
"Tanga! Hindi ako nakangiti nuh!" pagtanggi ko..
"Ayun oh! Lumalabas ang dimple mo! Hahaha" pang-aasar sakin ni Gian at tinuturo pa ang muka ko..
"Para kayong tanga! Kumain na lang kayo diyan.."
"Oh.. Is that Jelay?" tanong ni Karina kaya napatingin ako sa tinitignan nya.
Napakunot ang noo ko ng wala naman...
"Hahahaha! Look at the disappointment in your face! Malala ka na!" tudyo ni Karina habang natawa silang tatlo sa akin.
"Pinagsasabi nyo? Mga dati ba kayong bobo?!" asik ko sa kanila. "Diyan na nga kayo. Papasok na ako sa klase ko"
Di ko na hinintay ang sagot nila at nagpunta na sa klase..
Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako sa flat..Pagbukas ko ng pinto ay natataranta si Shana na tinakpan ang ginagawa nya sa study table..
"Ano yan??" tanong ko sa kanya..
Tinakpan nya pa ng libro ang papel na sinusulatan niya kanina."Wala! Wala!" mabilis na tanggi niya pero halatang may tinatago.
Parang tanga.. Haha
Pumasok na lang ako sa CR at nagpalit ng damit panlaro.
Nang makalabas ako ng CR ay maayos na ang gamit nya sa table at nakahanda na rin siya sa training."Tara na.." aya ko sa kanya
"Tara!" masayang sagot niya at nauna pang lumabas sakin..
Bata.
Sinundan ko na lang siya.. Sabay sabay kaming lahat na naglalakad papuntang gym pero nasa dulo kami ni Shana.
Walang nagsasalita samin. Sabay lang kami maglakad hanggang sa magbangga ang mga braso namin, para siyang nakuryente at mabilis na napaurong para bigyan kami ng distansya.
Napatingin naman ako sa kanya at mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"Huy! Hindi ko sinasadya ah.." depensa nya agad kaya natawa ako ng bahagya..
Nang matapos ang training namin ay kumain kami sama sama..
"Lapit na birthday mo, Capt diba? Anong plano?" tanong ni Charlie
"Uuwi lang ako sa bahay. Dinner with my fam then kinabukasan we can have Samgyup here.."
"Samgyup and.. Soju?" taas babang kilay na tanong ni Ate Ara.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...