45

790 50 51
                                    

KAORI JANELLA OINUMA #23

"This opportunity will only knock once.." saad ni Coach Emma. Assistant coach ng Los Angeles Sparks.

Pinadala siya dito sa Philippines para kausapin ako at bigyan ng offer na mag-train sa kanila.

"I know Ma'am.. Thank you so much." walang pag-sidlan ng saya ang puso ko ngayon..

"I'll give you this trainee contract. If you're wholeheartedly to pursue this. Just sign this and call me."

"Yes Ma'am! Definitely, i will!!" excited na sagot ko..

"Don't be so happy yet. It's not that easy. I know how knowledgeable you are in this field but you're culture is way different from our culture. Our trainings are one of a hell. You really need a 101% focus and dedication in order to keep up with us."

"I knew that Ma'am" determinadong sagot ko dito.. "I'll sign it. Right away!" kumuha ako ng ballpen at di nagdalawang isip na pirmahan ang contract.

Pangarap ko ito matagal na. Pinangako ko ito kay Mommy at papatunayan ko ito kay Daddy.

"Okay then.. See you in L.A."

"Sure. Thank you so much for the opportunity." tumango lang ito sa akin at umalis na..

Hawak ko ang isang kontrata at paulit ulit iyon binasa.. This is it!!

Pasakay na ako ng kotse ng makatanggap ng text mula kay Shana.
Kanina pa pala siya nagtetext sakin pero ngayon ko lang nakita dahil masyado akong natuwa sa pag-uusap namin ni Coach Emma.

"Kakauwi ko lang. Nagpaclearance pa kasi ako, kumusta araw mo?"

"Kumain ka na?"

"Bakit di ka nagrereply?"

"Ano ginagawa mo?"

"Maya, uso reply!" matagal kong tinitigan ang mga text niya..

Kung may girlfriend ako sigurado akong kailangan ko siyang i-text palagi. Kailangan kong mag-update sa kanya. That's hassle.
Magkakalayo pa kami. Alam ko kapag ganyan madalas ang awayan. Baka madistract ako sa trainings kapag nag-away kami ni Shana.

I need to end our relationship dahil wala na rin namang papatunguhan ito.
Tinanggap ko ang kontrata kaya hindi ko alam kung kailan ako babalik ng Philippines or kung babalik pa ba ako.
I need to focus on my trainings.
I need to pursue my dreams.

Ilang araw ko rin pinag-isipan paano makikipag-break kay Shana.. Matatanggap niya naman siguro desisyon ko diba?
Pangarap ko ito e. Alam niya naman yun. Sigurado ako mauunawaan ako ni Shana.

Nang maipon ko lahat ng lakas ng loob kong kausapin siya ay tinext ko na siya para magkita kami..

"MAYA!!!" ramdam ko ang saya pagkakita niya sakin.

"Namiss kita.." she pouted her lips again and hug.

Hindi madali sakin ito. Mahal ko siya at masakit din na kailangan ko siyang palayain para sa ikabubuti naming dalawa.

Pagdating namin sa Lomihan ay agad siyang binati ni Marie "Hello Jelay! Ganon pa rin po ba?" tanong nito

"Opo! Wala naman pong bago! Hahaha" my lips pursed.

3 years na kasi kaming madalas kumain dito. And maybe this is the last time we will eat together here.

"Bakit ganyan itsura mo? Wala ka ba sa mood? May problema ba, Maya?" ramdam kong nakakaramdam na siya at nagtataka sa inaakto ko.

"Let's eat first.." i want to enjoy our probably last meal together.

Buo na loob kong makipag-hiwalay pero ngayong nasa harapan ko siya parang umuurong ang dila ko.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon