46

800 58 8
                                    

Tapos na Season ng WNBA ngayon.. Hanggang semis lang kami. Kinapos kami at natalo. Siguro dahil kulang pa ng Team Chemistry.

We need to work on that.
Anyway, pinayagan nila ako ng 3 days vacation pauwi ng Philippines. Makaka-attend ako ng kasal ni Ate, some endorsement, promotion and some catch up sa mga friends ko.

And yeah, makikita ko si Shana.

Pagdating ko pa lang sa Pilipinas ay sinalubong na agad ako ng mga reporter sa airport. I don't know how they found out na ngayon ang uwi ko.

Sinalubong agad ako ng kung ano anong mga tanong nila. Taena! May jetlag pa ako sa tagal ng biyahe. Wala talagang consideration ang mga tao.

Sinalubong ako ni Daddy. Silaw na silaw ako sa mga flashes ng camera..

"Let's go home first." tumango ako sa saad ni Dad.

Mabuti na lang rin tinulongan kami ng mga staff sa airport para makalagpas sa mga reporters.

Hindi naman sa madamot ako sa interview. Ang alam ko kasi sa last day ko dito ay may presscon interview ako. So, why don't just wait for that moment?

Pagsakay ko ng kotse ay dun pa lang ako nagtanggal ng shades..

"Hassle! Paano nila nalaman flight ko?" iritang saad ko

"Hahaha You're a superstar na kasi! Kaya bawat galaw mo, Alam nila" sagot ni Daddy.

"Small things. Ako lang ito, Dad! Haha" tumatawang pagyayabang ko sa kanya.

Nagkamustahan lang kami ni Daddy hanggang makarating sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa flight.

Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng sampal..

Dinilat ko ang isang mata ko at nakita ko si Ate na kunot noo.

"Talagang dito ka dumiretso?! Di ka man lang dumaan sakin!" reklamo nito.

Parang namimiss ko yung Ate Kiara ko na walang paki-alam sa akin. Kaysa sa Ate Kiara ko ngayon na sobrang sadista.

"Ate.. Jetlag. Bakit nandito ka? Sabi ni Dad naka-check in ka na daw sa hotel para sa preparation bukas ng kasal mo.

"Alam ko kasi na kung di tayo magkakausap before my wedding ay hindi talaga tayo makakapag-usap after wedding. Syempre, deritso na kaming Korea nun for our honeymoon." paliwanag nito

"Naks. Honeymoon! Madidiligan ka na.. Haha" tudyo ko dito.

"Tarantado! Ang manyak mo! Yan ba natutunan mo sa LA?!" lakas ng boses ni Ate. Pakiramdam ko gising na diwa ko.

"Hahaha hindi ah. Matagal ko ng alam yun!" nakatanggap naman ako ng kotong kay Ate dahil sa sinabi ko.

"Baka kung kani-kanino ka nakikipag-ano dun sa LA ha!"

"Hindi nuh! Kadiri ka. Ganon ba tingin mo sakin?!" mabilis na depensa ko

"Siguraduhin mo lang.. Anyway, wag kang mang-aagaw ng spotlight bukas sa kasal ko ha?! Kundi ipapatapon kita sa labas." tumango tango lang ako kay Ate.

Nagkamustahan lang rin kami at ng mahalata niya na talagang masakit pa ang ulo ko ay iniwan niya na rin ako para magpahinga.

Buong araw akong natulog. Nagising akong madilim na sa labas.

Sabay kaming nag-dinner ni Daddy. After dinner ay inaya ako ni Karina pumunta ng bar.
Pagpasok ko dun ay mukang minumukaan ako ng ilang nakakasalubong ko.

Siguro dahil malikot ang ilaw ay di nila makompirma. Dumiretso na ako agad sa pwesto nila Karina.

"Hey!" bati ko sa mga ito.

Match FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon