Mayabang daw ako?! Bweset na yun! Hindi naman ako mayabang ah..
Aawayin ko pa sana siya kaso pumasok na siya ng cr.
Medyo matagal siya naligo paglabas niya ay nagtutulo tulo pa ang tubig sa buhok niya.. Infairness, ang bango ng shampoo niya."Hoy Shana! Anong sinabi mo na mayabang ako?!" salubong ko sa kanya.
"Hindi ba totoo, Maya?" lumapit ako sa kanya at nakipagsukatan ng titig. Kahit na bahagya akong nakatingala dahil hanggang ilong nya lang ata ako ay di ako papatinag.
"Capt! Kakain na daw.. Oh my gosh!" parehas kaming napatingin sa pinto ng may magsalita.
Si Jai na nagtatakip ng muka.
Pagtingin ko sa posisyon namin ay dun ko lang napansin na sobrang lapit pala ng muka namin sa isa't isa.
"Para kang tanga! Wala kaming ginagawang masama!" pagalit ko kay Jai "Susunod ako. Maliligo lang ako." pahayag ko dito. Tahimik lang na sinara ni Jai ang pinto kaya binalik ko ang tingin ko kay Shana.
"Di pa tayo tapos.." saad ko at nagtungo na sa cr.
Nakahubad na ako ng may mapansin na nakasabit..
"SHANAA!!!"
"Bakit?" inosenteng sagot niya
"Bakit nakasampay dito ang mga damit at undergarments mo?!" my virgin eyes! My Gosh!
"Nilabhan ko. Di ko alam saan isasampay.." mahinang sagot nya na halos hindi ko na narinig.
Napahilot na lang ako sa balangusan ng ilong ko. She's really stressing me.
Naligo na lang ako at iniwas ang mata ko mapadako sa damit niya. Lalo na sa pang-ibaba.Paglabas ko ay wala na siya sa kwarto. Nagmadali na ako magbihis at bumaba ng sala. Naabutan ko siyang naka-upo na sa hapag. Naghihintay sila ng iba pang member. Wala pa si Ate Kim at Ate Mela kaya hinila ko muna patayo si Shana at dinala siya sa may gilid ng kusina malayo sa iba..
"Why do you need to wash your clothes? Every weekends may kukuha ng laundry natin dito. All you have to do is give to them your laundry basket!" paliwanag ko sa kanya.
Nakayuko naman siya na parang nahihiya.
"Why?" mahinang tanong ko.
"Kapag di ko nilabhan, wala na akong susuotin." mas mahinang sagot niya.
I see..
"Ano pa ginagawa nyo dyan? Kakain na." masungit na tawag samin ni ate Den.
"Let's eat.." aya ko sa kanya. Naupo na ako sa designated seat ko. Sa gitna ni ate Athena at Charlie.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa mga kwarto namin. Matutulog pa daw kasi ang iba..
Nauna akong bumalik sa kwarto.. Naupo lang ako sa paanan ng kama ko habang hinihintay si Shana.
Pagpasok niya ay napatingin agad siya sakin.
"Magbihis ka ng pang-alis. Aalis tayo."
"Saan tayo pupunta?"
"Wala ng maraming tanong! Basta magbihis ka ng pang-alis." nagsimula na rin ako magbihis.
Nag-suot lang ako ng color army green na khaki pants at black t-shirt.
Paglabas ko ng cr ay nakasuot na rin siya na bell buttom pants at simple fitted maroon shirt."Let's go.." kinuha ko lang ang car key ko sa lamesa at lumabas..
"Uy, Capt! San punta?" salubong sakin ni Bea..
"Guard ka ba? Bakit ka nagtatanong ng ganyan?" iritang tanong ko sa kanya at nilapagsan siya.
"Pst.. San punta?" narinig kong tanong niya kay Shana.. Hindi naman ako nakarinig ng sagot nya.
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...