Inabot niya sakin ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon..
Babawiin ko na sana pero ayaw niya bitawan.."Bakit?" takang tanong ko. Ngumiti ulit siya at binitawan nya na ito..
"So, magkakilala na tayo.. Sayo na yan." muli niyang iniaabot sakin yung ipod niya pero tinititigan ko lang iyon.
Nilagay niya isang earphone sa tenga ko at ang isa naman ay sa kanya..
"Mas masarap mag-aral kapag may pinapakinggan.." saad nya at nagpatugtog.. "Dito lang ako.. Di kita gugulohin.. Mag-aral ka na." inihiga nya ang ulo nya sa lamesa habang nakaharap sa akin at pumikit.
Pinabayaan ko na lang siya kasi mabait naman siya kaya nakakahiyang paalisin ko.
Habang nag-aaral ay nararamdaman kong nakakawala nga ng antok ang kanta. Nalilibang ako sa pag-aaral ng hindi inaantok.
Pero makalipas ng dalawang oras ay nakaramdam na ako ng gutom. Pagtingin ko kay kuya Achi, tulog pa rin siya..
Mahina kong niyugyog ang balikat niya..
"Kuya.." buhay pa kaya ito? Kanina pa siya di nagalaw.
Tinanggal ko ang earphone sa tenga niya at niyugyog siya..
"Kuya.. Gising na.." ilang saglit pa ay gumalaw na rin siya at nagkurap kurap ng mata.
Tinanggal niya na ang ulo niya sa pagkakahiga. Nagkulay pula pa ang isang pisngi nya dahil sa tagal ng ganon posisyon..
"Sorry ginising kita.. Aalis na kasi ako." paalam ko sa kanya.
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong nya na paramg inaantok pa
"Babalik na ako sa flat. Nagugutom na ako eh."
"Sige, tara!" tumayo siya kaya nagtaka ako
"Anong tara?"
"Hatid na kita.."
"Diyan lang ako oh.. Di mo na ako kailangan hatid." pagtanggi ko
"Kaya nga hahatid na kita.." nakangiting sagot niya.. Mapilit siya kaya pinabayaan ko na lang.
"Pwede ko bang makuha cellphone number mo?" tanong niya sakin habang naglalakad na kami papuntang flat
"Okay lang naman pero anong gagawin mo dun?"
"Tatawagan ka.. Itetext. Makikipagkaibigan."
"Ay.. Di ako nagloload eh tapos busy din ako kaya wala akong oras magtext." malungkot na sagot ko sa kanya
"Okay lang.. Maghihintay ako kung kailan ka free" nilingon ko siya at nakangiti na naman siya..
"Sige.." pagkasabi ko ng sige ay mabilis niyang kinuha ang cellphone niya.. "0916*******"
"Yun! Salamat, Jill. May FB ka ba?"
"Fb?"
"Facebook?"
"Ahhh.. Meron pero di ko naman nabubuksan. Ginawaan lang ako noon ng pinsan ko.. Wag mo na alamin yun! Last year ko pa ata huling nabuksan yun." pagtanggi ko. Muka pa ata akong batang paslit dun eh.
"Sige sige.. Hindi na yun" sagot niya at saktong nahinto kami sa tapat ng flat namin.
"Dito na ako.." paalam ko sa kanya. Gutom na talaga ako.
"Ahm.. Sige. Salamat sa oras mo Jillian.." saad nya
"Sige!" sagot ko at pumasok na sa loob.
Pagbukas ko ay saktong kakatapos lang magluto ni ate Shiella..
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...