Pinauwi muna ako ni Maya sa bahay niya para kumuha ng gamit at magpahinga ng maayos. Kasama niya naman ang ilan sa manager ng Sparks Team kaya di siya mag-isa ngayon. Nag-uusap sila para sa mga dapat pa rin gawin ni Maya habang fi pa tapos ang kontrata sa mga ito.
Pagdating ko sa address na sinabi ni Maya ay sa labas pa lang ng bahay ay namangha na ako. Simple lang ang desinyo nito ngunit napaka-ganda.
Malaki ang bahay na dalawang palapag.Sa baba pa lang ay malawak na ang sala. Malaki ang kitchen na kumpleto sa gamit, entertainment room na puro game console niya.
At napakalaking kwarto kung saan nakalagay ang mga trophies at awards niya sa paglalaro. Mga bigay ng fans. Ang ganda parang mini gallery!Pagdating naman sa taas ay may apat na kwarto. Unang kwarto pagbukas ko ay mukang kwarto ni Maya kaya sinara ko muna. Huli ko na titignan yun.
Pangalawang kwarto ay mga sapatos nya na pagkarami rami! As in! Balak ata mag negosyo ni Maya ng mga sapatos eh.
Pangatlong kwarto at pang-apat ay naka-lock. Siguro ito sinasabi niya na spareroom. Bumalik na lang ako sa kwarto ni Maya dahil napagod na rin ako.
Agad bumungad sa akin ang amoy ng pabangong laging ginagamit ni Maya..
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang picture frame na nakapatong sa bedside table ni Maya.Andun family picture nila at ang isa ay family picture namin na kasama siya. Pakiramdam ko biglang uminit ang mata ko..
Mas nakaka-touch na hindi lang ako ang pinapahalagahan nya kundi ang buong pamilya ko.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan pa ang paligid ng kwarto.Simple lang ang kwarto at parang walang kabuhay buhay.. Walang nakasabit na kahit ano sa pader.
Parang walang kalaman laman. Parang ang lungkot lungkot.Napabuntong hininga na lang ako. Naghanap ako ng masusuot na damit sa aparador niya. May mga damit pa naman ako diyan pero mas gusto ko ang damit niya eh..
Naligo lang ako saglit at pagkatapos ay natulog na..
Ngayon lang ako nakatulog ng maayos kaya napahaba ito.
Pagkagising ko ay dali dali akong bumangon.Nagluto ako ng mga pwedeng kainin ni Maya para di naman siya puro hospital food. Nag-bitbit na rin ako ng mga damit niya..
Pagbalik ko sa hospital ay nagulat ako pagpasok ng kwarto ni Maya.
Ang daming media! May interview ata siya..Lalabas na sana ulit ako ng tawagin niya ako..
"Shana!" sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.. Lahat ng mata ay nakatingin na sakin.
Dahan dahan akong lumapit kay Maya. Binigyan naman ako ng daan ng mga reporter, naupo ako sa gilid ni Maya..
"She's my girlfriend.." proud na saad nito. Ngiting ngiti pa siya..
Ang kapal ng muka! May sinabi ba akong kami na ulit?! Kung hindi ko lang iniisip na mapapahiya siya sa harap ng media, binatukan ko na siya eh!
Nginitian naman ako ng mga ito at patuloy sa pagtutok ng camera sa aming dalawa ni Maya.
Nakangiti lang siya ng matamis pero sa isip ko, humanda lang siya kapag nakaalis na ang media. Sasapakin ko talaga siya kahit di pa siya ganon ka-Okay!
"Wow! She's pretty! How long have you been together?" tanong ng reporter na nauto ni Maya
Nanahimik lang ako dito sa tabi.. Bukod sa hindi ako sanay sa englisan ay hindi ko naman alam isasagot ko. Desisyon kasi itong si Maya eh!
"She's pretty right? We're inlove with each other for 7 years and more." parang gusto ko umirap kung wala lang nakatutok na camera sa akin.
Marami rami pa silang tinanong tungkol sa amin. Tulad ng kung ako daw ba tinutukoy ni Maya sa dating interview nito about sa mahal niya. Wala naman tinanggi si Maya..
BINABASA MO ANG
Match Found
FanfictionJillian Shane Pilones wearing jersey #11 is a probinsyana girl na gusto lang makapagtapos ng pag-aaral para maahon sa hirap ang pamilya. Kaori Janella Oinuma wearing jersey #23 is Japinoy girl na gifted sa paglalaro ng basketball, ang gusto niya ay...